Robin Padilla continues tirades against Senator Trillanes; Facebook cancels actor's account

IMAGE Courtesy: GMA News Online / Noel Orsal

Robin Padilla on why his verified Facebook account was cancelled: "Masyado raw akong maingay."


Kinansela ng Facebook ang verified account ng aktor na si Robin Padilla.

Ito ang inamin ni Robin sa panayam sa kanya ng DZBB ngayong Biyernes, September 7.

Sabi niya sa interview, "Masyado raw akong maingay."

Ang tinutukoy ni Robin ay ang sunud-sunod niyang pahayag tungkol kay Senator Antonio Trillanes.

Hindi na nga makikita sa Facebook ang official at verified page ng Kapamilya star.

Dalawang araw na pabalik-balik si Robin sa paligid ng Senado sa Pasay City dahil gusto raw niyang masaksihan ang pag-aresto kay Trillanes kasunod ng pagbawi ng amnestiya nito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binawi ni Duterte ang amnestiya si Trillanes kaugnay ng coup d’etat cases na kinahaharap nito dahil sa naging partisipasyon niya sa Oakwood mutiny noong 2003 at Manila Peninsula siege noong 2007.

Nakasaad sa Proclamation No. 572 ni Pangulong Duterte na void ab initio (void from the beginning) ang amnesty na iginawad ni dating Pangulong Noynoy Aquino III kay Trillanes.

Ito ay dahil diumano sa kakulangan ng minimum requirements na isinumite ng senador.


Stories We Are Tracking

Robin Padilla mocks Sen. Antonio Trillanes
Robin Padilla mocks Sen. Antonio Trillanes

Binatikos ni Robin si Trillanes dahil sa pambabastos nito sa Pangulo.

Pahayag ng aktor na masugid na tagasuporta ni Duterte, "Kung i-address niya yung Presidente natin akala mo kung sino siya.

"Bastos ka, e, kaya ka binabastos."

Samantala, naitanong din kay Robin kung may balak siyang tumakbo sa anumang posisyon sa 2019 elections.

Tugon niya, "Ayaw kong sagutin ang mga tanong na mga iyan.

"Ang layo pa ng eleksyon ay 'yan na ang pinag-uusapan natin, at ako ay walang plano na tumakbo at wala akong nakakausap na kahit kanino."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN