Angelica Panganiban, Carlo Aquino no more hang-ups with their exes

IMAGE Noel Orsal

Carlo Aquino has a wish for Angelica Panganiban's love life: "Siguro ano lang, huwag kang magmadali. Hintayin mo lang yung tamang moment, yung tamang tao para sa 'yo."


Inihayag nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na wala na silang sama ng loob sa lahat ng mga naging karelasyon nila noon.

Kinalimutan na raw nila kung anumang sakit na dulot ng pagkabigo nila sa pag-ibig.

Sabi ni Angelica, "Ako, parang wala naman."

Ganun din si Carlo, "Wala na."

Hindi rin daw si Angelica ang tipo na agad sasabak sa panibagong relasyon pagkatapos ng isang breakup.

"I don’t think magiging tama yung maghanap ka ng rebound. Yung manggamit ka ng ibang tao para maibsan yung lungkot mo—never."

Kusa lang din daw kasing maiibsan yung sakit at lungkot.

Dagdag ni Carlo, "Oras talaga yung kailangan, e. At your own time, at your own pace kung papaano ka mag-move on.

"Siyempre, kailangan mo rin ng kausap. Hindi puwedeng ikaw lang mag-isa.

"Hindi kakayanin ng dibdib mo yun. Lalo na pag mahal mo pa yung taong umalis."

Humarap sa entertainment press sina Angelica at Carlo sa launch ng pelikula nilang Exes Baggage, na ginanap sa Pub.Liq Gastropub sa Quezon City, noong September 5.  


Ang huling nakarelasyon ni Angelica ay si John Lloyd Cruz.

Tatlong taon at kalahati silang naging magkasintahan hanggang sa naghiwalay sila noong January 2016.

Nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan at makailang-beses pa silang namataang magkasama noong October 2016 hanggang June 2017.

Usap-usapan kung nanumbalik ang relasyon ng dalawa, ngunit September 2017 nang pumutok ang balitang may namamagitan kina John Lloyd at Ellen Adarna.

Sa kabilang banda, si Carlo ay may anim na taong non-showbiz girlfriend na si Kristine Nieto hanggang sa naghiwalay sila noong January 2018.

Hanggang sa ihayag ni Carlo noong January 2018 na nagkakaproblema ang kanilang relasyon.


Sa ngayon, pareho raw sina Angelica at Carlo na pahinga muna sa dating scene.

Hirit ni Carlo kay Angelica, "May dini-date ka ba? Wala pa naman akong naririnig na may dini-date si Angelica."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Angelica tungkol kay Carlo, "Wala rin ako naririnig… Ewan ko kung napakagaling lang niyang magtago."

Pero iginiit ni Carlo na "wala" talaga.

Sa huli, nagbigay na lang si Carlo ng hiling para sa love life ni Angelica.

"Siguro ano lang, huwag kang magmadali. Hintayin mo lang yung tamang moment, yung tamang tao para sa iyo."


Stories We Are Tracking

Angelica reveals she and Carlo became a couple twice
Angelica reveals she and Carlo became a couple twice
Angelica, Carlo figure in a minor road mishap
Angelica, Carlo figure in a minor road mishap
Angelica, Carlo celebrate
Angelica, Carlo celebrate "anniversary" via IG photos
Carlo on Angelica as a GF:
Carlo on Angelica as a GF: "Sobra siyang magmahal."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN