Kim Chiu reveals constant fear of fading from showbiz

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu opens up about the constant struggle of stars to stay afloat in showbiz. "Lahat kami meron kaming fear, fear of mawala na ang mga taong sumusuporta, 'tapos mawala ang pangarap naming manatili dito sa showbiz."


Aminado si Kim Chiu na hindi niya strength ang pagho-host, pero thankful sa pagkakataon na maging host sa ABS-CBN reality-based talent search na Star Hunt, kasama sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Alex Gonzaga.

"Masaya, very thankful. Hindi ko talaga kayang mag-host, so happy ako na binigyan ako ng opportunity na ganitong show," pahayag 28-anyos na aktres sa presscon ng Star Hunt na ginanap sa ELJCC Building, ABS-CBN Compound, Quezon City, September 5, Miyerkules.

Labindalawang taon na sa showbiz si Kim, pero gaya ng maraming artista, hindi naman daw laging nasa itaas ang kanyang career. 

Nakakaramdam na raw siya ng pangamba na baka hindi na siya magtagal sa industriya.

"Hindi naman talaga maiiwasan yan, darating talaga yung hindi naman laging masaya, e.

"Hindi naman laging level 10 yung saya mo dito sa showbiz.

"Akala mo lang maayos, maganda, pero may kanya-kanya rin kaming struggle.

"May kanya-kanya rin kaming, 'Anong susunod ko? Anong gagawin ko? Susuportahan pa ba ako ng mga tao?'

"Lahat kami meron kaming fear, fear of mawala na ang mga taong sumusuporta.

"'Tapos mawala ang pangarap naming manatili dito sa showbiz. Laging nandiyan yan."

Hindi lang daw talaga sila bumibitaw sa kagustuhan nilang patuloy na makapagpasaya ng mga tao.

"Gusto naming mag-entertain, gusto naming mag-inspire ng tao: don ka lang kami naka-hold lagi."

Pag-amin pa ni Kim, "Yung sinasabi nila na hindi lagi nasa taas. Minsan nasa baba ka rin para manginig ka nang konti, 'O, Kim, ganyan…'

"So gagalingan mo ulit, magsisipag ka ulit. Parang lifeline ang buhay namin sa showbiz.

"But at the end of the day, nagawa mo yung gusto mong gawin."

Bukod sa Star Hunt, kasalukuyang nagsu-shooting si Kim kasama ang Kapuso actor na si Dennis Trillo para sa isang pelikula.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN