Zeus Collins on being linked to Vice Ganda: "Tinatawanan lang namin."

IMAGE Rose Garcia

Hashtags member Zeus Collins on being linked to Vice Ganda: "Tinatawanan lang namin, parang sinasabi lang sa amin ni Ate Vice na, 'Hayaan niyo na lang. Wala namang mapapala kung papansinin nyo.' Wala naman kaming ginagawang masama,"


Bukod kay Ronnie Alonte, isa rin sa nili-link kay Vice Ganda mula sa grupong Hashtags ay si Zeus Collins.

Marami rin ang nagbibigay ng kulay sa closeness ng dalawa kunsaan itinuturo ng iba na si Zeus daw ang tunay na karelasyon ng sikat na comedian/TV host.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa Hashtags member noong nakaraang September 2 sa set ng ASAP, siniguro niya sa amin na hindi niya ikinapipikon ang ginagawang pag-uugnay sa kanila ng Phenomenal Box Office Star.

Pero sa kabila nito, hangga't maaari ay iniiwasan na rin niyang magbasa  ng mga komento sa social media.

Pahayag niya, “Halos lahat yata na may kaibigan si Ate Vice na lalaki, nahuhusgahan o dyina-judge.

“Parang nasanay na rin ako na... yun nga, si Ronnie, ako minsan.

“Si Ate Vice ka-close namin, di talaga maiiwasan yun siyempre.

“Pag may mga nababasa akong comments, di ko na lang tinutuloy kasi mane-nega lang, e.”

SHRUGGING OFF THE ISSUE

Pagkukuwento sa amin ni Zeus, napag-uusapan nila ni Vice ang tungkol dito at pinagtatawanan na lang nila ang balita.

“Tinatawanan lang namin, parang sinasabi lang sa amin ni Ate Vice na, 'Hayaan niyo na lang. Wala namang mapapala kung papansinin nyo.'

“Wala naman kaming ginagawang masama,” diin niya.

Nagbigay din si Zeus ng mensahe para sa mga taong patuloy na nagbibigay-kulay sa samahan nila ng komedyante.

Aniya, “Siguro yung mga madlang pipol natin na may mga issues na ganun kay Ate Vice, sobrang close niya sa amin, magkakaibigan kami, kaming lahat.

“May Bes Battalion nga kami na grupo, abangan niyo mga videos namin nila Ate Vice.

“Kami nila Wilbert [Ross] aka Wilby, si Ronnie [Alonte], si Kid [Yambao], ako, saka si Vitto [Marquez], 'tapos si Ate Vice ang pinakabunso namin.

“Magkakapatid kami tapos siya ang bunso namin.”

Sa ngayon ay walang girlfriend ang Hashtag member pero bukas naman ito kung may babaeng darating na magpapatibok sa puso niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, wala akong girlfriend.

“Focus muna ako sa trabaho.

“Open? Siguro pag dumating, di ko naman mapipigilan yun.”

Si Zeus ay bahagi ng pelikulang Wander Bra na pinagbibidahan ni Myrtle Sarrosa,

Tinanong din namin si Zeus kung ano ang mas gusto niya, ang pag-arte o pagsayaw.

“Gusto ko ring matutong umakting kasi siyempre di naman habang-buhay na sumasayaw tayo.

“Priority ko pa rin ang dance.

“Pero kung bibigyan ako ng trabaho na umakting, gagawin ko na rin.”

NO JEALOUSY AMONG HASHTAGS

Matagal.nang isyu na sa lahat daw ng members ng Hashtags ay si Ronnie ang mukhang pinaka-umaangat sa lahat dahil na rin sa magagandang mga proyekto at husay na pinapakita din naman nito.

Pagkaklaro ni Zues, walang kumpetisyon sa grupo nila at masaya sila sa tagumpay ng bawat isa.

“Wala, walang kumpetisyon.

“Halos lahat naman kami binibigyan ng breaks, siguro mas panahon ni Ronnie ngayon, si McCoy, si Jameson.

“Wala, wala kaming ganun. Sinusuportahan namin ang bawat isa.

“Walang issue sa amin kung sino ang umangat. Mas natutuwa pa kami dahil kagrupo namin yun.

“'Tapos, siyempre damay din kami, proud kami sa kanya, proud din si Ronnie sa amin.”

THANKFUL TO SHOWTIME

Malaki ang pasasalamat ni Zeus sa It's Showtime dahil sa malaking naitulong nito sa kanya.

“Sobrang laki kasi pagkatapos nung PBB [Pinoy Big Brother], paglabas ko ng bahay ni Kuya talagang nag-Showtime na ako and from 2015 until now, 2018, dire-diretso siya.

“Malaking tulong sa akin kasi araw-araw kang nakikita sa TV.

“May mga projects ako na dumarating dahil din nasa Showtime ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN