Robi Domingo thankful for enduring chemistry with ex-girlfriend Gretchen Ho

IMAGE Bernie Franco

Robi Domingo feels thankful that despite his breakup with former girlfriend Gretchen Ho, their chemistry and natural rapport can still be felt by viewers, just like how they interacted when they hosted the Mr. and Ms. Chinatown 2018 pageant last September 2: "Natutuwa ako kasi siyempre nandun pa rin yung koneksyon namin sa audience, ganun ang naramdaman ko."


Marami ang kinilig sa mga hugot lines ni Robi Domingo sa ex-girlfriend niyang si Gretchen Ho sa nakaraang 2018 Mr. and Ms. Chinatown pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena noong nakaraang Linggo, September 2.

Ang dalawa ang tumayong hosts sa naturang taunang event ng Chinese community.

Marami ang kinilig, hindi lang sa pagbibiro ni Robi kay Gretch, kundi sa nakikitang pa ring chemistry sa mag-ex.

Pagkaklaro naman ng male TV host sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa nakaraang presscon ng Star Hunt na ginanap sa Chronicle Lounge ng 9501 restaurant ng ABS-CBN noong nakaraang Miyerkules, September 5, hindi raw hugot lines ang binitiwan niya noong gabing iyon kundi base lang sa totoo niyang nararamdaman at mga nangyari.

Lahad niya, “Hindi, wala akong hugot at all.

“Walang hugot lines kasi kung anuman ang sinabi ko dun, totoo lang and that's how we talk, kaming dalawa ni Gretch.

“Wala naman kaming mini-mean na 'Oy,' wala namang bad blood on that stage, just pure fun, and we're not doing that one to make people scream.

“Pero kasi kung ano ang mga sinasabi namin dun, totoo lang, kunwari nagtanong siya, 'Facebook or Instagram?'

“Instagram, kasi siya naman talaga ang gumawa ng Instagram account ko dating-dati pa.”

Kung marami ang kinikilig sa muling pagsasama nila sa isang stage, masaya naman si Robi na nandun pa rin ang rapport sa pagitan nila ng dating kasintahan.

Aniya, “Natutuwa ako kasi siyempre nandun pa rin yung koneksyon namin sa audience, ganun ang naramdaman ko.”

Inamin naman ni Robi na sa simula ay may nararamdaman siyang awkwardness o pagkailang kay Gretchen nung pageant, pero natutuwa siya na tumakbo ng maayos ang lahat.

Pag-amin niya, “Sa totoo lang, may awkwardness on my end, pero hindi siya yung iniisip ko na ganun ka-smooth sailing, kasi magaling si Gretch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niya yung content niya kasi she's been doing it for five years.”

Sa interview kay Gretchen sa relaunch ng Celeteque ay consistent ito sa mga pahayag niyang masaya siya na may bago nang inspirasyon sa ngayon si Robi. Pinagpapasalamat naman ito ng TV host.

“Thank you, thank you.

“I think ang pinakamasasabi ko lang diyan is thank you.

“Na-appreciate ko yun, thank you.”

OVERCOMING ANXIETY

Sa nakaraang interview kay Robi sa Tonight With Boy Abunda ay inamin ng male TV host na dumaan siya sa anxiety attack.

Espekulasyon ng iba, isa sa malaking sanhi nito ay ang breakup nila ni Gretchen.

“Not just that one.

“Siguro kumpul-kumpol siya, kaya nagkaroon ako ng anxiety attack.

“Maybe it's one of the reasons, maybe because career-wise, walang naibigay agad or wala akong na-auditionan agad.

“Three, yung ibang mga kaibigan ko naging doktor na.

“Overcome? Pamilya talaga, e.

“Pamilya, kaibigan, at ibabaling mo ang sarili mo sa ibang energy.

“Ako nabaling ko ang sarili ko sa mga businesses.”

Hiningan din namin si Robi ng payo na maibibigay niya sa mga taong dumaraan din sa ganitong sitwasyon sa ngayon.

“Cliche siya pero totoo.

“Ang problema, dumadaan yan kaya daanan mo lang.

“Di ka dapat mag-move on lang sa mga problema.

“Mag-move forward ka.”

STAR HUNT

Isa si Robi sa hosts ng talent search show na Star Hunt ng Kapamilya network.

Malapit sa puso ni Robi ang show dahil minsan din siyang naging parte ng Pinoy Big Brother na isa rin sa sumikat na talent search/reality shows ng ABS-CBN.

Pagbabalik-tanaw niya, “Siyempre nakakatuwa, kasi dati, isa rin akong auditionee.

“Nakikita ko ang sarili ko sa mga star dreamers.

“Nabibigyan namin ng pagkatataon ang mga star dreamers na ibahagi ang kanilang talento, pagkatao at kuwento nila.

“Yung pagpasok nila sa isang programa, di lang ito isang reality show, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati kasi ang akala ko rin na pag PBB, Tawag ng Tanghalan, The Voice, yung mga ganung klaseng tipo, pero hindi pala.

“Binibigyan namin ng opportunity yung iba't ibang mga Kapamilya, mga star dreamers na makuha ang pangarap nila in a way na maging guest sila sa Ang Probinsyano, Home Sweetie Home at marami pang iba.

“Pinagdaanan ko rin yung proseso kaya nakaka-relate kami in a way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN