Nathalie Hart says fiancé not worried about her sexy image

IMAGE Noel Orsal

Nathalie Hart on her Indian fiance's take on her sexy image: "Very conservative sila, so medyo negative lang yung part na yun sa akin. But at the end of the day, tapos na yun, e. He met me tapos na, nandito na ako."


Aminado si Nathalie Hart, 26, na konserbatibo ang kultura ng Indian fiancé niyang si Mayank Sharma.

Kaya dati raw ay hindi ito pabor sa kanyang sexy image at pagkakaroon ng daring scenes sa mga pelikula niya noon.

Ngunit iginiit ni Nathalie na walang dapat ikabahala si Mayank dahil trabaho lang at walang personalan ang pagiging revealing ng mga eksena niya noon. 

“Siyempre hindi, negative siya.

"But the thing is, I never did porn! I just did acting.

“Siguro nagpakita lang ako ng skin.

"Pero I’ve never done anything wrong na magiging negative sa kanya.

“Lahat naman ng tao magiging negative kasi maraming conservative sa bansa natin.”

Tukoy pa ni Nathalie sa kultura ng magiging asawa, “Very conservative sila, so medyo negative lang yung part na yun sa akin.

“But at the end of the day, tapos na yun, e. He met me tapos na, nandito na ako.”  

Kuwento pa ni Nathalie, nakilala na niya ang ina at kapatid ni Mayank.

Tanggap rin kaya ng mga ito ang sexy image niya noon?

Natatawang sagot ni Nathalie, “Hindi ko na kailangan malaman yun.

"Sa kanila na lang yun. So, sorry na lang po!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Nathalie pagkatapos ng presscon ng Abay Babes, na ginanap sa Le Reve events place noong September 6.

Dito ay masayang ibinalita ni Nathalie na nakatakda silang pumunta ni Mayank sa India sa September 28.

Aniya, “Bisitahin ko muna pamilya niya to pay respect and everything.”

Pagkatapos ay tutungo raw sila sa kanyang hometown sa Australia kung saan magkakaroon sila ng simpleng wedding ni Mayank.

Doon din sila pipirmi hanggang sa manganak si Nathalie sa January 2019.

CHOOSING LOVE OVER CAREER

Kasalukuyang five and a half months pregnant si Nathalie.

Bagamat kasagsagan ng kanyang showbiz career, hindi raw pinagsisisihan ni Nathalie na bigla siyang nabuntis at na-engage sa kanyang Indian boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Nathalie tungkol sa ibang taong nanghihinayang para sa kanya, “Thank you dahil gusto nila ako makita.

"Nagku-comment sila dahil alam nilang titigil na ako.

“Pero at the end of the day, everyone needs a private life, everyone needs support from someone.

“I’ve always wanted to have my own family, so para sa akin magkaroon ng anak, magkaroon ng asawa, it is one of my dreams to find that.

"Yung mga taong yun, hindi naman sila yung kasama ko every day in life.

“So para sa akin, nanghihinayang din ako, pero happy ako dahil hindi naman lahat nabibigyan ng anak, hindi lahat nabibigyan ng asawa."

ON FINDING MR. RIGHT

Wala rin daw siyang mahihiling pa mula sa kanyang mapapangasawa.

“Tsaka happy ako kasi sobrang supportive yung asawa ko, in terms of emotional, mental, pati sa paggastos tinutulungan niya ako.

"Ganun siya, very hands on, kaya gusto ko rin siya. Yung iba walang pakialam.

"Ngayon, susunduin pa niya ako dito."

Nagustuhan nga raw ni Nathalie si Mayank dahil sa paninindigan nito kahit noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon.

“Wala siyang pakialam sa mga tao.

"Kung anong gusto niyang gawin, yun ang gagawin niya.

“Gusto ko yung ganun, hindi niya kailangan makinig sa pamilya niya, sa kaibigan nila.

"Strong yung decision-making niya.”


Stories We Are Tracking

Nathalie Hart reveals crying after confirming she's pregnant
Nathalie Hart reveals crying after confirming she's pregnant
Nathalie Hart is four months pregnant
Nathalie Hart is four months pregnant
Nathalie Hart admits she almost quit showbiz after <em>Siphayo</em>
Nathalie Hart admits she almost quit showbiz after Siphayo
Nathalie Hart denies rumored past romance with James Reid
Nathalie Hart denies rumored past romance with James Reid


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN