Jackie Forster, son Kobe Paras exchange sweet messages on Instagram

IMAGE @jackie_forster Instagram

Jackie Forster gives son Kobe Paras a comforting message in anticipation of his 21st-birthday blues: "Storms will come and go but we'll make it through anything together."


Ibinahagi ni Jackie Forster ang isa sa masasayang alaala niya sa piling ng mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Sa kanyang Instagram post noong September 4, ipinakita ni Jackie ang throwback video nila na kuha noong siya ay 21 years old pa lang at maliliit pa ang dalawang anak.

Dito ay mapapanood kung paano masiglang binigyan ng halik nina Jackie at Andre ang bunso na si Kobe.

Sabi sa caption ni Jackie, "My babies!!! I miss @_kokoparas so much, please don’t get the birthday blues (mama was 21 here) just remember We are always holding hands and never letting go!

"Storms will come and go but we’ll make it through anything together [holding hands and rainbow emojis].

"You have always been the source of my strength [strong emoji] love you so much!"

Tila tinutukoy ni Jackie ang pagkakaroon ng "birthday blues" ni Kobe na magdiriwang ng 21st birthday nito sa September 19.

Ikinatuwa naman ni Kobe ang mensahe ng ina base sa comment ng binata sa Instagram wall ni Jackie.

Ani Kobe, "Miss you ma. I love you."

Hindi rin pinalampas ni Jackie ang pagkakataong iparating ang pagmamahal para sa panganay niyang si Andre.

Sa comments section ng kanyang post, inalala rin ni Jackie ang bonding moments nila ni Andre noong bata pa ito.

Kalakip ang isang laughing with tears emoji, sabi ni Jackie, "I remember teaching Andre how to take selfies! We didn't even have front facing cams yet and analog pa."

Noong nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang estado ng relasyon ni Jackie sa mga anak niyang sina Andre at Kobe.

Hindi kaila na patuloy ang magandang relasyon ni Jackie kay Kobe, na mas madalas maka-bonding ng dating aktres base sa kanilang mga litrato sa social media.

Nilinaw naman ni Andre na mas gusto niyang manatiling pribado ang ugnayan nila ng ina, sa paniniwalang mas makakabuti ito para sa sitwasyon ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Andre insists he and mom Jackie are okay despite bashers
Andre insists he and mom Jackie are okay despite bashers
Jackie Forster denies using Andre, Kobe for fame and money
Jackie Forster denies using Andre, Kobe for fame and money
Jackie Forster explains absence of Andre in family shoot
Jackie Forster explains absence of Andre in family shoot
Andre Paras echoes brother Kobe's post on being on their own
Andre Paras echoes brother Kobe's post on being on their own


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN