Child star Rhed Bustamante prays for showbiz comeback amid personal struggles

IMAGE Rated K Facebook page

Child star Rhed Bustamante on her floundering showbiz career: "Huwag po tayo mag-e-expect masyado kasi masakit po pag hindi siya nangyari. Katulad ng in-expect ko na pag nag-artista ka, okey lahat. Pero hindi po pala."


Ibinahagi ng dating child star na si Rhed Bustamante kung paano hirap sa buhay ang kanyang pamilya, lalo't matagal na siyang walang offer na magbalik sa telebisyon o pelikula.

Si Rhed ay dating napapanood sa ABS-CBN afternoon soap na FlordeLiza (2015) at GMA-7 prime time soap na Endless Love (2010).

Ilan sa pelikulang kinabilangan niya ay ang Seklusyon (2016), The Amazing Praybeyt Benjamin (2014), at Maria Leonora Teresa (2014).

"Yung mga batang tulad ko, nag-e-expect po kami.

"Huwag po tayo mag-e-expect masyado kasi masakit po pag hindi siya nangyari.

"Katulad ng in-expect ko na pag nag-artista ka, okey lahat. Pero hindi po pala."

Nakapanayam si Rhed ni Korina Sanchez sa ABS-CBN lifestyle magazine show na Rated K, Linggo ng gabi, September 9.

Ikinuwento ni Rhed na pinalayas ang kanyang pamilya sa dati nilang tinitirahan dahil hindi sila makabayad ng renta at naputulan sila ng ilaw doon.

Lumipat sila sa Meycauyan, Bulacan kung saan kasalukuyan silang naninirahan.

Kasama roon ni Rhed ang kanyang mga magulang at dalawang nakatatandang kapatid

Sa ngayon ay hirap pa rin ang pamilya ni Rhed na punan ang halagang P6,000 para sa dalawang buwang renta ng kanilang bahay.

Hindi raw makapagtrabaho ang kanyang ama na isang mekaniko dahil mayroon itong sakit sa baga.

Bunsod nito, bumalik si Rhed at ang kanyang ina sa pagtitinda sa kalapit ng riles ng tren sa Sampaloc, Manila.

"Mahirap po isipin kasi ganun talaga ang buhay po. Minsan hindi ko na rin alam kung anong gagawin para makatlong sa pamilya ko po."

Gusto ba niyang bumalik sa pag-aartista?

Sagot ni Rhed, "Opportunity rin po kasi yun para medyo makaraos din po. Wish ko po may makatulong sa akin para sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid." 

Sa kasalukuyan ay Grade Six na si Rhed at hindi raw niya ihihinto ang pag-aaral kung sakaling mabigyan siya ulit ng pagkakataong magbalik-telebisyon.

Dagdag ni Rhed, "At saka siyempre kailangan 'lagi mag-pray kay Lord."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN