Sharon Cuneta on Gabby Concepcion: "Sana okey kami."

IMAGE @reallysharoncuneta / @concepciongabby Instagram

Sharon Cuneta hints at unclear reason behind her rift with Gabby Concepcion six months ago: "K na, e. Anyare?"


Nagpahiwatig si Sharon Cuneta na bukas siya sa posibilidad na magkaayos sila ni Gabby Concepcion.

Anim na buwan na ang lumipas mula nang maunsiyami ang kanilang pagiging magkaibigan muli dahil nagkaroon uli sila ng hindi pagkakaunawaan.

Sabi ni Sharon patungkol kay Gabby, “So... Hello. Whyyy? Yun lang. Anyare? K na, e. Anyare?”

Ito ang natatawang pahayag ni Sharon nang ipakita ang litrato ni Gabby sa “Tanong Mo, Mukha Mo” segment sa ABS-CBN late-night variety show na Gandang Gabi Vice, Linggo ng gabi, September 9.

Dagdag ni Sharon sa isang bahagi ng panayam, “Tsaka yun din yung feeling ko. Sana okey kami.”

Noong February 2018, hindi kaila sa publiko na nanumbalik ang magandang samahan sa pagitan nina Sharon at Gabby dala ng pagbabalik-tambalan nila sa television commercial ng isang sikat na fast-food chain.

Mismong anak nilang si KC ay ikinatuwa ang pagkakaayos nina Sharon at Gabby matapos nang matagal na panahong hindi sila nagkita at nagkausap.

Dahil dito ay nagbukas ang posibilidad na magbalik-tambalan ang ex-couple sa pelikula.

Ngunit muling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Sharon at Gabby pagkatapos umere ng TV interview ng Megastar sa ABS-CBN lifestyle magazine show na Rated K noong March 4.

Pagkatapos ay nag-unfollow pa sila sa isa't isa sa Instagram.

Mula noon ay hindi na ulit nagkausap ang dalawa.


Stories We Are Tracking

Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby
Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby
Gabby posts hashtag
Gabby posts hashtag "forgiveness" in photo with Sharon
KC Concepcion to her Papa Gabby:
KC Concepcion to her Papa Gabby: "Don't ever leave again."

BITTERSWEET MEMORIES

Samantala, hindi rin napigilan ng Megastar na maging emosyunal nang maalala ang hiwalayan nila ni Gabby tatlong taon pagkatapos silang makasal noong 1984.

Balik-tanaw ni Sharon, “Ang masakit sa akin talaga, nung nag-asawa kami, yun talaga ang gusto ko.

“Parang feeling ko I found my prince, kasi fairy tale na yung buhay ko, e.

“Ito na yung tuldok. Wala na akong gusto sa buhay. Gusto ko na lang buhay ko siya tsaka yung bata.”


Stories We Are Tracking

Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby

Masakit daw kasi para kay Sharon na makita kung gaano naapektuhan ang anak nilang si KC noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Sharon, “Ba’t ba ako umiiyak? Si KC lang po naaalala ako.

“Naiinis ako kasi perfect na dapat yung buhay ko dahil napaka-perfect ng childhood ko. Tapos hindi ko nabigay sa anak ko yun.

“Parang two and a half years old, nakita ko yung change kay Kace, nagkaroon ng parang wall.

“Nag-iba yung disposisyon ng anak ko na araw-araw dati nakangiti.”

Dagdag niya, “Kaya lang parang dinamay pa namin yung bata. So she was born into a situation na she didn’t choose. So I think, parang masakit lang.”

Sa huli, inalay ni Sharon ang kanyang 1994 hit song na “Dapat Ka Bang Mahalin?” at hit song ni Hajji Alejandro na “Nakapagtataka.”   


Stories We Are Tracking

KC wants mom Sharon to feel that having her was worth it
KC wants mom Sharon to feel that having her was worth it
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG
Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son
Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN