Julia Barretto quashes rumored tiff with Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto: "Not all my tweets are relationship centric." The actress wrote that to appease fans who showed concern that she and boyfriend Joshua Garcia were having problems.


Nilinaw ni Julia Barretto na wala silang pinagdadaanang relationship problem ng boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Ito ay matapos umani si Julia ng tweets mula sa Joshua-Julia (JoshLia) fans na naghayag ng kanilang pag-aalala sa kung anumang alitan nila ni Joshua.

Nag-ugat ito sa simpleng tweet ni Julia na nagsasabing, “Guard your heart.”

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

NO LOVERS' QUARREL

Ngayong Lunes, September 10, klinaro ni Julia na mali ang interpretasyon ng netizens sa kanyang tweet.

Ani Julia:

Sa parte ni Joshua, natawa na lang ang binata sa isyu.

Base ito sa laughing with tears emoji na tweet ni Joshua kalakip ang pahayag ni Julia.

Minsan nang nagkaroon ng alitan sina Joshua at Julia nang mapabalita ang pag-comment ng binata ng “art photo” at thumbs up emoji ng isang female netizen noong Marso.

Dagdag pa rito ang kumalat na pekeng Facebook thread kung saan inakusahan si Joshua na nakikipagpalitan ng mensahe sa female netizen.

Aminado si Julia na naapektuhan siya ng isyung kinasangkutan ni Joshua.

Ngunit kinalaunan ay inihayag ni Julia na nagkaayos na sila ni Joshua at hindi nila hahayaang masira ang relasyon nila dahil sa paninira ng iba.


Stories We Are Tracking

Joshua says Star Magic told him to lessen PDA with Julia
Joshua says Star Magic told him to lessen PDA with Julia
Julia reveals Joshua secretly called Alice
Julia reveals Joshua secretly called Alice "my girlfriend"
Julia Barretto says mom Marjorie has forgiven Joshua Garcia
Julia Barretto says mom Marjorie has forgiven Joshua Garcia
Joshua Garcia surprised by Julia-Loisa dinner meetup
Joshua Garcia surprised by Julia-Loisa dinner meetup


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN