Character actor Ced Torrecarion recalls past video scandal; admits contemplating suicide

IMAGE Jerry Olea / File

Ced Torrecarion speaks up about the time he considered taking his own life. "There was a time na talagang walang-wala ako, na gusto ko nang i-give up ang lahat. I wanted to end it all," he says.


Inamin ng commercial model-turned-actor na si Ced Torrecarion—unang nakilala bilang Ced Carreon—na muntik na siyang magpakamatay noon.

Si Ced ay naugnay noon sa mga aktres na sina Bianca Lapus at Katherine Luna, at maging sa gay host-actor na si IC Mendoza.

Tinagurian din siyang "King Cobra" dahil sa kanyang video scandal na lumabas noong early 2000.

"I was really lost," seryosong sambit ni Ced sa presscon ng musical play na The Lost Sheep sa Trellis restaurant, Kalayaan Avenue, Quezon City, nitong Setyembre 8, Sabado.

"There was a time that I wanted to end everything—to cut everything.

"I usually share this to a group of people... sa church.

"Kasi, nagkaroon po ng panahong babang-baba ako... na kinukuwestiyon ko Siya [Diyos].

"Kahit na sagrado Katoliko kami, I still question Him, 'Why is this happening to me? Why is this happening to my life?'

"There was a time na talagang walang-wala ako, na gusto ko nang i-give up ang lahat. I wanted to end it all.

"But then," patuloy niya, "there was an epiphany.

"The moment I closed my eyes and about to end it, I saw His Face.

"And then, humingi ako ng tawad sa Kanya. Kasi, alam po natin na ang buhay natin dito sa mundo ay hiram lang.

"At nobody can take it, di ba?"

FIRST TO ADMIT

Isa rin siya sa mga unang local celebrity na umamin sa TV (Startalk at The Buzz) na siya nga ang nasa kumalat na nude video sa mga cellphone.

Malaking factor ba ang nasabing video kaya nag-contemplate siyang mag-suicide? Iyon ba ang lowest point ng buhay niya?

"No, not really," napangiting sambit ni Ced.

"That was early 2000. May mga kasabay ako, pero ako lang yung umamin!

"Nagba-Baclaran ako noon. Nakita ko yung cover ng pirated video... Na-rattle ako!

"Eventually, after three months, inamin ko because I wanted to have peace of mind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That time, nagpahinga ako. Noong inamin ko siya, ang daming offers noon, even to do sexy that time.

"Ang dami talagang offers noon pero hindi ko kinuha. Hindi ko ginrab. Kasi, na-burn out ako.

"'Tapos, ang daming indecent proposals. Naano ako... May offer pa sa akin sa ibang bansa to do porn!

"Ang laki ng bayad. Dollars."

Sabi pa ni Ced, "Kung ginawa ko iyon, baka itinakwil ako ng pamilya ko. Mawawalan ako ng mana.

"Na-conscious ako noon. Iba na ang tingin sa akin ng mga tao. Naku-curious sila.

"Pag naglalakad ako, yung mga nakakasalubong ko, may panning sa ibaba!

"Iba na yung ano! Puma-pan sa ibaba!”

LOWEST POINT OF HIS LIFE

Wala pang anak noon si Ced. Pagkalipas ng mga limang taon, nagkaanak siya sa kanyang girlfriend.

Kapagkuwan ay dumating ang pagkakataong muntik na siyang magpatiwakal.

Paliwanag ni Ced, "Lowest point of my life, iyong ipinagkait sa akin ang anak ko.

"Kasi, as a dad, mahirap yung ipagkait sa iyo ang anak mo, di ba?

"I've been doing my best... to work hard... for my family. Ganyan-ganyan.

"'Tapos, bigla na lang iba. Yun 'yon during that time.

"'Tapos, sumabay pa yung... that was 2007, nag-sabbatical ako noon sa showbiz.

"Talagang... muntik na yun! I wanted to end everything.

"But then, buti, the Lord was there. And my family was there to support."

Eleven (11) years old na ang anak ni Ced, at may communication siya rito from time to time.

"She was our blessing talaga that time. And until now, I still work hard, and nag-iipon ako for her.

"Eventually, in God’s time, makasama ko rin siya," saad ni Ced.

Gaganap si Ced bilang Jesus Christ sa The Lost Sheep na itatanghal sa Oktubre 27 sa Star Theater, CCP Complex.

Ngayong Setyembre 10, Lunes, ang ika-40 kaarawan ni Ced.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN