Ritz Azul admits to dating non-showbiz guy

IMAGE Arniel Serato

Ritz Azul is seriously dating a non-showbiz guy, is she ready for a relationship? "Sumusuporta siya. Let's see. Hindi naman ako nagmamadali," she answers.


"No Boyfriend Since Birth" (NBSB) ang palaging sagot ni Ritz Azul tuwing tinatanong tungkol sa love life.

Pero tila nagbago na ang ihip ng hangin ngayon.

Rebelasyon ng 24-year-old Kapamilya actress, "Ngayon may ini-entertain na ako, dating, and he’s not from showbiz.

“Nag-start lang sa barkada.

"Hindi ko binibilang yung romantic date.

"Cowboy kasi ako, e, mostly nga kasama naman yung friends."

May mga na-link na rin dati kay Ritz na kapwa niya artista, may direktor din.

Personal choice daw niya kung bakit hindi siya nakipagrelasyon at single pa rin hanggang ngayon.
 
Paliwanag ni Ritz, "Kasi for the past few years, focus ako sa career.

"Mas inisip ko kasi yung ibang bagay kesa sa personal kong buhay.

"Ako kasi, masyado akong futuristic mag-isip kaya medyo naiwan ko yung side na yun sa kabataan ko.

"Saka nung time na yun, naghihintay ako ng guy na hindi makakaabala sa ginagawa ko.

"Kumbaga, susuporta pa rin.

"So far, yung guy na ito, sumusuporta siya."

Sa ngayon, hindi pa raw masabi ni Ritz kung mauuwi sa totohanang relasyon ang pagdi-date nila o paglabas-labas ng non-showbiz guy.    

"Well, let’s see. Hindi naman po ako nagmamadali," pakli niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ritz sa presscon ng pelikula nila ni Pepe Herrera, ang The Hopeful Romantic sa direksiyon ni Topel Lee.

IN BED WITH PEPE HERRERA

Comedy ang pelikula, at sexually aggressive ang karakter dito ni Ritz.

Nasanay na ba siya sa mga dating teleseryeng ginawa niya?

Tugon niya, “Aaminin ko noong una, sobrang nahirapan ako.

"First kiss ko si Derek Ramsay, pero hindi pa siya yung kiss na sobrang ano, smack lang.

“Sobrang nanginig pa ako sa takot noon, naka-seven takes yata ako nun.

“Siyempre humihingi ako ng suporta sa ka-partner ko, open ako na wala pa akong experience sa ganito, ikaw na ang bahala sa akin, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So nagdadalahan po kami.

"Pero itong lately, medyo natututo-tuto na ako sa mga nakatrabaho ko."

Natawa si Ritz nang sabihing si Pepe ang sobrang kabado sa kanilang bed scene.

Kuwento niya, “Kasi si Pepe kapag ninenerbiyos, lumalabas yun sa kahit anong eksena.

"Halos sa lahat ng mga eksena naming dalawa, nanginginig siya.

“Parang lahat ng energy niya lumalabas sa kamay, nakita ko yun sa isang eksenang sobrang simple lang, 'tapos itong bed scene.

“Sabi ko, ‘Relax, inhale, exhale… nandiyan naman si Direk Topel, maaayos niya iyan.’”
 
Speaking of Pepe, minsan nang nabanggit ni Ritz na mas gusto niyang maging leading man ang isang komedyante.

Paliwanag niya, “Natutuwa ako kasi matagal ko nang pangarap talagang magkaroon ng kapartner na komedyante.

"Sabi ko nga noon, gusto ko si Empoy o kaya si Ryan Bang."

Ikinatutuwa naman ni Ritz na hindi lamang natupad ang kahilingan niya kundi isang mahusay na komedyante ang leading man niya.

Ipapalabas na ang The Hopeless Romantic sa September 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN