Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli to celebrate fifth anniversary in Europe?

IMAGE Photos from Instagram (Credit to the owners)

Sarah Geronimo and boyfriend Matteo Guidicelli are spotted at the airport. Some AshMatt says the showbiz couple will be going to Europe to celebrate their fifth anniversary.


Kumakalat ngayon sa social media ang paparazzi photo ng magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli habang naglalakad nang magkahawak-kamay sa loob ng airport.

Na-post ang naturang larawan sa Instagram accounts ng fans ng showbiz couple ngayong Lunes, September 10.

Sa mga caption, binanggit ng fans na patungong Europe ang dalawa para ipagdiwang ang kanilang fifth anniversary.

View this post on Instagram

enjoy!!! ?????????? #5thAnniversary #AshMatt ??

A post shared by FAN ACCOUNT ???????? (@sgloverforever25) on

Samantala, sa Instagram Story ni Matteo ngayong hapon, nag-post siya ng picture ng kanyang sapatos.

Pareho ito ng suot niyang sapatos sa kumalat na paparazzi photo nila ni Sarah ngayong araw.

View this post on Instagram

A post shared by Sarah G and Matteo G (@justsarahandmatteog) on

Noong nakaraang linggo, dumating si Sarah sa ginanap na cooking demo nina Matteo at Nico Bolzico sa Da Gianni restaurant, ang restaurant ni Matteo sa Alabang, Muntinlupa.

Ikinatuwa ito ng fans ng magkasintahan dahil sa kabila ng pagiging pribado sa kanilang love life, naibabahagi nila ang masayang estado ng kanilang relasyon tuwing lumalabas sila.  


Stories We Are Tracking

Matteo Guidicelli sees Nico Bolzico kissing Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli sees Nico Bolzico kissing Sarah Geronimo

Noong September 2016, ipinagdiwang nina Sarah at Matteo ang kanilang third anniversary sa Tan-Awan, Oslob, Cebu, kung saan nag-diving sila para makakita ng whale sharks.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN