Roxanne Barcelo open to meeting guys through dating apps

IMAGE Noel Orsal

Roxanne Barcelo on finding love through dating apps: "Yung mga barkada ko, lahat sila they married someone they met at the office. So paano ako? Asawahin ko yung love team? Very Marian, di ba? Parang hindi naman ganun ang buhay. I mean it works for some, it doesn't work for most of us."


Aminado si Roxanne Barcelo, 33, na medyo naiinip na siya dahil halos isang taon na raw siyang single.

Ang huling naging boyfriend niya ay si Will Devaughn. 

Apat na taon at kalahati silang naging magkarelasyon, hanggang sa maghiwalay sila noong huling bahagi ng 2017.

Natatawang sabi ni Roxanne tungkol sa kanyang single status, "Itong chapter na ‘to, in fairness, ang tagal!

"Ang haba ng single ako. Naiiirita ako, parang sa totoo lang.”

Pero ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang sarili sa susunod na makakarelasyon.

Binalikan daw ni Roxanne ang Christian book niyang may titulong “Waiting For You,” kung saan nagsulat siya ng notes tungkol sa kanyang future “The One.”

Ani Roxanne, “Nung 2006 hanggang 2009, nung single ako, inisa-isa ko talaga lahat ng gusto kong qualities sa isang lalaki.

“Medyo emotional yung bakla nung binabasa ko ulit, kasi yun yung time na sobrang pure ng intentions ko na magmahal ulit. Talagang ipinagdadasal ko.”

Ngayon, mas buo na raw sa isip ni Roxanne kung ano ang hinahanap niya sa isang long-term relationship.

“Siguro through time, na-realize ko na I just want someone who I can be happy with.

"Kasi masaya naman na ako, e. Masaya ako with my family, masaya ako with my friends.

“Someone who can just complement what’s already going on sa buhay ko.

“Ayoko nang manggugulo, ayoko ng ilalayo ako sa pamilya ko.

“Someone who would love me and accept me for who I am becoming.

"Kasi nag-iiba tayo, di ba? So yun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Roxanne pagkatapos ng presscon ng Abay Babes, na ginanap sa Le Reve events place sa Quezon City, noong September 6.

ON DATING APPS

Ayon kay Roxanne, natutunan niya sa pelikula na walang masama kung susubukan ng single ladies na makakilala ng single guys sa pamamagitan ng dating apps tulad ng Tinder at Bumble.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like someone as busy as me. Tayo.

"Ang dami nating ginagawa tsaka ang dami na nating na-meet. Is love really out there still?

“I appreciate this moment kasi may Bumble, may Tinder.

"There are so many apps where hindi na tayo kailangan tumambay sa mga kung saan-saang kanto para makatagpo ng love. 

“Or hindi na kailangang magsimbang-gabi tayo every night, di ba? Aminin mo yun, girl!”

Aminado si Roxanne na kahit siya na taga-showbiz ay hindi ganun kadaling makahanap ng partner in life.

“Kasi, like ako, hindi naman ako nag-o-office. Yung mga barkada ko, lahat sila they married someone they met at the office.

“So, paano ako? Asawahin ko yung love team? Very Marian, di ba?

"Parang hindi naman ganun ang buhay.

“I mean, it works for some, it doesn’t work for most of us.”

Ang tinutukoy ni Roxanne ay kung paanong bihirang mangyari ang ‘tulad ng nangyari sa kaibigan niyang si Marian Rivera, na naging nobyo at napangasawa ang perennial leading man nitong si Dingdong Dantes.

Dagdag ni Roxanne, “So a fairy tale somewhere else.”

Sang-ayon daw siya sa mindset ng ginampanan niyang papel sa Abay Babes na nakahanap ng “The One” online.

“It doesn’t matter how she gets to point A to point B.

"Kung nasa point A siya, ‘Single ako, mag-online dating ako. Pak! The One.’

“Parang, ang point A to point B is easier at this point.

"Tanggalin natin yung mga judgments about millennials and how they are."

FEARLESS ROXANNE

Habang hindi pa niya nakikita ang tamang lalaki para sa kanya, ibinubuhos na lang daw muna ni Roxanne ang atensiyon sa trabaho.

"Wala akong boundaries at all. May mga pelikula akong ginawa in between na independent and international.

"Talagang ibinigay ko ang lahat ko kasi wala akong fear.

“Finally na-experience ko yung wala akong limit when it comes to acting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya kahit hindi naging madali ang hiwalayan nila noon ni Will, ang mahalaga ay sigurado raw si Roxanne na naaayon ang lahat ng nangyari sa kanyang buhay ngayon.

“Bigay-todo naman tayo, e. I have no regrets. Ibinigay ko yung kaya kong ibigay at that moment.

“Feeling ko may ceiling na, ‘Okey na tayo. Napakita na natin lahat sa isa’t isa. It’s time to move on freely to the next chapter of our lives.”


Stories We Are Tracking

Roxanne Barcelo admits breakup with Will Devaughn
Roxanne Barcelo admits breakup with Will Devaughn
Roxanne Barcelo reveals Will Devaughn's endearing traits
Roxanne Barcelo reveals Will Devaughn's endearing traits
Roxanne Barcelo hates it when girls get flirty with Will
Roxanne Barcelo hates it when girls get flirty with Will


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN