KC Concepcion gets approval from boyfriend Pierre Emmanuel Plassart's family

IMAGE @itskcconcepcion Instagram

KC Concepcion posts about her enjoyable vacation at boyfriend Pierre Emmanuel Plassart's family home in France.


Hindi matawaran ang saya ni KC Concepcion sa piling ng French boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, September 11, inihayag ni KC na hindi niya akalaing babalik sa buhay niya si Pierre, pitong taon mula nang una silang magkakilala.

Kalakip nito ang larawan kung saan hinalikan ni KC sa pisngi ang nobyo.

Sabi ni KC, “Hey you came back to me, unexpectedly, this is crazy.”

View this post on Instagram

Hey you came back to me, unexpectedly, this is crazy ?????

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

Kahapon, September 10, inihayag ni KC na sobrang nag-enjoy siya sa pagbabakasyon sa bahay ng pamilya ni Pierre sa France.   

Isa itong 600-year-old house na mayroong malawak na garden kung saan namalagi si KC nitong mga nagdaang araw.

Base sa caption ay naging mainit ang pagtanggap kay KC ng pamilya ni Pierre, lalo na’t tinag pa ng dalaga ang ina ng French filmmaker na may handle name na "dominogp."

Ani KC, "I've never felt so at home in a 600 year old house until now.

"A house, no matter how big or how old, how small or how new, becomes a HOME when filled with love, laughter, family get togethers, conversations, jokes, home cooked meals, great wine, & just happy memories all around."

Sa comments' section ay may maiksi ngunit sweet comment ang kapatid ni Pierre na nagngangalang Melanie Plassart.

Hearts and kisses emojis ang iniwan ni Melanie, na tila malapit kay KC kahit noon pa man.

Base ito sa pag-iwan ni KC ng mensahe kay Melanie sa Instagram sa tuwing may espesyal na okasyon sa pamilya ng huli.  

"TRUE LOVE WAITS."

Minsan nang ikinuwento ni KC na nakilala niya si Pierre sa gala dinner ni dating U.S. President Bill Clinton noong 2011. 

Kasama pa ni KC ang inang si Sharon Cuneta at pareho nilang nakasama sa isang table si Pierre at ina ng binata noon. 

Aminadong nagkamabutihan sina KC at Pierre noong late 2012 hanggang early 2013. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit February 2013 nang sabihin ni KC na nagdesisyon siyang itigil ang namumuong magandang pagtitinginan nila ni Pierre dahil hindi pa siya handang pumasok sa relasyon noon. 

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sabi ni KC patungkol kay Pierre:

"I mean, true love waits, so kung talagang true iyong love niya, at kung makarating ako doon sa level na ready na ako at nandiyan pa rin siya...

“Mabait naman siyang tao at napaka-disente ng pamilya niya. Mahal na mahal ko iyong pamilya niya at mahal rin nila ako, so we'll see.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion's French BF posts photo of her on Instagram
KC Concepcion's French BF posts photo of her on Instagram
Sharon Cuneta speaks up about KC's ex, current boyfriend
Sharon Cuneta speaks up about KC's ex, current boyfriend
KC Concepcion proudly posts date night with French boyfriend
KC Concepcion proudly posts date night with French boyfriend
KC Concepcion hopes French suitor Pierre Plassart would wait for her
KC Concepcion hopes French suitor Pierre Plassart would wait for her


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN