Kapamilya comedienne Pokwang fondly recalls Kapuso star Maine Mendoza's visit to her house

IMAGE Instagram (@leeobrian)

Pokwang on GMA-7 stars Maine Mendoza and Paolo Ballesteros's visit to her house: "Yung bahay ko kasi, Kapuso ka, Kapamilya ka, as long as na tao ka, alam mo yun, welcome."


Ikinuwento ng Kapamilya comedienne na si Pokwang ang pagdalaw ng Kapuso star na si Maine Mendoza sa kanyang tahanan sa Antipolo, Rizal noong Mayo.

Binisita noon ni Maine ang baby nina Pokwang at Lee O’Brian na si Malia.

Lahad ni Pokwang, “Ay, ganito po iyan… si Maine Mendoza ay meron po kaming common friend, si… pinangalanan talaga!

“Si Marge So, na dati pong nagtatrabaho sa Star Cinema. Friend ko po yun.

“Wala pa si Maine, si Menggay wala pa siya sa showbiz, friend ko na si Marge.

“So, nakuwento ni Marge na dadalaw siya sa akin... nakuwento ni Marge kay Maine, ‘Dadalaw ako kay Pokwang.’”

Sinabi raw ni Maine sa kaibigan ni Pokwang na gusto niyang makilala ang Kapamilya comedienne.

Ayon pa kay Pokwang, “E, napaka-humble nung bata, sobrang napaka-humble.

“And inaano rin niya si Malia, nilaro niya.”

Unang beses daw nilang pagkikita iyon nang personal ni Maine.

“Yes, first time yun!” bulalas niya.

So, gusto lang makita ni Maine silang mag-ina?

“Oo.”

Ano ang reaksiyon nila sa isa’t isa pagpasok ni Maine sa bahay niya?

Saad ni Pokwang, “E, siyempre… para nga kaming matagal nang magkakilala, alam mo yun?

“E, kasi nga, hindi siya mahirap pakibagayan.

“Iyon ang nakita ko sa kanya. Hindi siya mahirap pakibagayan na tao.

“Mabait yung bata, in fairness.”

Ipinagluto raw ni Pokwang si Maine nang bumisita ito sa kanila.

“Ipinagluto ko siya, mahilig siya sa sinigang na bangus!

“Siningang na bangus, happy na siya sa ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa opening ceremonies ng ToFarm Film Festival 2018 sa Novotel Hotel-Manila sa Cubao, Quezon City, kahapon, September 10.

Bida si Pokwang sa official entry na Sol Searching.

Kasama niya rito sina Joey Marquez, JM Salvado, Gilleth Sandico, at Jeison Bay.

Mula ito sa panulat at direksiyon ni Roman Perez Jr., at produced nina Dr. Milagros How, Ring Perez, at ng Universal Harvester Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEIGHBORS

Maging ang co-host ni Maine sa Eat Bulaga! na si Paolo Ballesteros ay bumisita rin sa bahay ni Pokwang.

“Si Paolo Ballesteros naman po, kapitbahay ko,” banggit ng komedyana.

Kahit daw si Pokwang ay bumibisita sa bahay ni Paolo kasama ang anak niyang si Malia.

“Pag umaga nagdya-jogging ako kasama ko yung anak ko, dumadaan kami kay Paolo, bilang magkapitbahay kami.”

Nakadalaw na bang muli si Maine sa bahay niya?

“Hindi pa, alam niyo naman busy siya. Sabi ko naman, anytime, welcome siya sa bahay ko.

“Yung bahay ko kasi, Kapuso ka, Kapamilya ka, as long as na tao ka, alam mo yun, welcome.

“Si Paolo, nagpapadala pa sa akin ng pagkain yun sa bahay!”

Ilang blocks away ang bahay nila ni Paolo sa isa’t isa?

“Siguro mga tatlo, malapit siya sa clubhouse nung subdivision.”

Birong-tanong namin kay Pokwang: sino sa kanila ni Paolo ang mas malaki ang bahay?

“Ah, pareho lang. Pareho lang kami ng square meters!” natatawang sagot ni Pokwang.  


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza visits Pokwang's baby
Maine Mendoza visits Pokwang's baby
Maine Mendoza bonds with Pokwang's family
Maine Mendoza bonds with Pokwang's family
Pokwang explains how she knows Dabarkads Maine, Paolo
Pokwang explains how she knows Dabarkads Maine, Paolo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN