Alex Gonzaga recalls ignoring second thoughts about non-showbiz boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Alex Gonzaga says her inner voice once told her not to pursue a relationship with non-showbiz guy Mikee Morada. Despite her doubts, Alex gave Mikee a shot and they have been together for two years. 


Dalawang taon na ang relasyon ni Alex Gonzaga at non-showbiz boyfriend nitong si Mikee Morada.

Nakikita naman daw ng Kapamilya actress-TV host na si Mikee na ang lalaking nais niyang pakasalan.

“Siyempre, kapag may relasyon ka naman, gusto mo naman doon na papunta yun.”

May halong biro naman niyang sagot kung malapit na ba silang magpakasal, “Siguro sooner but not later.”

Wala rin daw magiging problema mula sa pamilya ni Alex, lalo na sa kanyang Mommy Pinty, kung sakaling ma-engage na siya.

“Okay naman na sa kanya,” sabi niya.

Kuwento ni Alex, noong bago pa ang relasyon nila ni Mikee ay may second thoughts siya tungkol dito.

“Noong nagsisimula kami ni Mikee, may bumubulong na, 'Ayoko iyan, huwag iyan, hindi iyan.”

Ngunit kung dati raw ay sinusunod ni Alex ang kanyang instinct at inner voice, sa pagkakataon daw na yun ay sinuway niya ito.

“Pero kasi dati, bubulong, 'Okay iyan, okay.' So gagawin ko.

"Kay Mikee, baligtad. 'Wag iyan, wag iyan.'

“So binigyan ko ng chance and wala na rin ako ngayong naririnig. At siguro mas naging mature na rin ako.”

Kung ikakasal siya, ibang-iba raw siguro sa naging kasal ng ate niyang si Toni Gonzaga.

Paliwanag ni Alex, “Kasi ang ate ko, masyadong determined, masyadong serious.

"Parang ako, sa wedding ko, parang gusto ko na more on fun, relax.

"Gusto ko na yung mga tao, imbes na maraming bawal..."

Kay Toni, maraming bawal?

“Oo, like yung engagement, secret muna nila. Ayoko ng medyo ganun.”

At saka ito pabirong humirit ng: “Pero bago natin i-promote ang wedding ko, i-promote muna natin ang movie namin na showing na sa September 19.”

COLLABORATE INSTEAD OF BERATE

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa mediacon ng pelikula niyang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka sa Novotel Manila Hotel, sa Cubao, Quezon City, noong September 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikalawang beses pa lang daw ni Alex na magbida sa pelikula. Ang una ay sa My Rebound Girl ng Regal Films.

Aniya, hindi mawawala ang pressure bilang bida.

“Siguro pressure kasi iisipin mo na nagtiwala sa iyo ang Wilbros Films at the same time, si Fifth,” na ang tinutukoy niya ay ang direktor ng pelikula na si Fifth Solomon. 

Patuloy ni Alex, “Parang if ever na kumita ito, not only my success but the success of the producers, director and everyone.

“Kaya siya pressure kasi gusto mong maging successful siya, not just for yourself but for everyone na kasama rito sa pelikula.”

Kaibigan ni Alex si Fifth mula pa nang magkasama sila sa Pinoy Big Brother house.

Mas gusto raw ni Alex na kaibigan niya ang kanyang direktor.

Paliwanag niya, “For me kasi, mas madali talaga sa akin, mas gusto ko yung collaborative na director.

"Imbes na nagde-demand sa akin or imbes na sinasabihan ako ng mga masasakit na salita, mas maganda yung...

"Even sa ate ko, alam ng ate ko yun, kapag nilalait nila ako, hindi ako nakikinig.

“Mas nakikinig ako doon sa collaborative, mas open at mas maganda yung pagkakasabi sa iyo. 

“With Fifth, siyempre magkatrabaho kami and hinahayaan niya ako na mag-suggest.

"May freedom na gawin ko kung ano ang napi-feel ko sa heart ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN