Dingdong Dantes, Agot Isidro, Leah Navarro, Jim Paredes among possible LP senatoriables in 2019

IMAGE PEP.ph File

Celebrities Dingdong Dantes, Agot Isidro, Jim Paredes, and Leah Navarro are included in the list of Liberal Party's possible senatoriables in 2019 elections.


Kabilang ang showbiz personalities na sina Dingdong Dantes, Agot Isidro, Leah Navarro, at Jim Paredes sa ikinukunsidera ng Liberal Party (LP) na isama sa kanilang senatorial line-up para sa 2019 mid-term elections.

Matagal nang usap-usapang sasabak na sa pulitika si Dingdong, ngunit ayaw itong kumpirmahin ng kampo ng Kapuso actor.

Nang makausap ng entertainment press ang misis ni Dingdong na si Marian Rivera sa presscon ng isang endorsement niya noong nakaraang linggo, nadulas ang aktres at sinabing sigurado na ang pagtakbo ng kanyang mister ngunit hindi niya alam kung anong posisyon.

Ngunit sinabi rin ni Marian na mas magandandang mismong si Dingdong na ang magsalita tungkol sa pagpasok nito sa pulitika.


Stories We Are Tracking

Marian Rivera hints at Dingdong Dantes's political plans
Marian Rivera hints at Dingdong Dantes's political plans

Nauna na ring sinabi noon ni Agot na hindi pa siya nakakapagdesisyon tungkol dito dahil ini-enjoy pa niya ang paggawa ng mga teleserye at pelikula.

Bukod kina Dingdong, Agot, Leah, at Jim, may 14 pang personalidad na kabilang sa possible LP candidates na umiikot ngayon sa social media.

Kabilang dito sina dating senador at presidential candidate Manuel "Mar" Roxas II, dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Magdalo Representative Gary Alejano, Senator Paolo Benigno "Bam" Aquino IV, dating Chief Justice Hilario Davide Jr., at Human Rights lawyer Chel Diokno.

Nasa listahan din si dating Akbayan Partylist Representative Barry Gutierrez, Marawi-based aid worker Samira Gutoc, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, election lawyer Atty. Romulo Macalintal, at dating Deputy Speaker Lorenzo Tañada III.

Ayon pa sa balita, kabilang din daw sa listahan sina dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) undersecretary Manolo Quezon III, former Solicitor General Florin Hilbay, at former Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Hindi pa pinal ang listahan kung sinu-sino ang tatakbo sa eleksiyon sa susunod na taon.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN