KaladKaren celebrates sixth anniversary with British boyfriend

IMAGE @kaladkaren Instagram

KaladKaren has a sweet message to her British boyfriend on their sixth anniversary: "Thank you for reminding me every day that I deserve to be loved for all of who I am." 


Inihayag ng impersonator na si KaladKaren na anim na taon na ang relasyon nila ng kanyang British boyfriend.

Si KaladKaren—o Jervi Li sa totoong buhay—ay self-confessed “very proud transgender woman.”

Sa kanyang Instagram post noong September 8, ibinahagi ni KaladKaren ang larawan nila ng kanyang hindi pinangalanang British boyfriend.

Kuha ang larawan sa Bridge of Sighs sa Oxford, England kung saan naninirahan ang lalaki. 

Sabi ni KaladKaren, “Six wonderful years [heart emoji] Happy 6th Anniversary, my love!

“Thank you for reminding me everyday that I deserve to be loved for all of who I am. [heart and rainbow emojis] #LoveWins”

Bukas si KaladKaren sa pagbahagi ng kanyang masayang love life sa social media.

Dito ay makikita kung paanong tinuturuan niya ng ilang salitang Filipino ang nobyo, na ang tawag sa kanya ay "kagandahan." 

View this post on Instagram

???? #Lovewins

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren) on

Masuwerte raw si KaladKaren sa kanyang nobyo na kaya siyang ipagluto ng pizza from scratch, tagabitbit ng kanyang suitcases kapag sila ay nagta-travel abroad, at kayang i-tolerate ang kanyang tantrums.

Hindi paaawat sa ka-sweetan ang dalawa, lalo na pagdating sa kanilang mga larawan na kuha mula sa pagta-travel nila sa Europe.

Noong 2016 ay may mga kuha sila sa Paris, Ireland, Finland, Netherlands, at Belgium to name a few.

Madalas din siyang bisitahin ng kanyang nobyo rito sa Pilipinas.

Kaya kahit na magkalayo sila ay going strong ang kanilang relasyon. 

View this post on Instagram

Seas the moment! ?????????????? #Beach #Couple #VitaminSea

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren) on

Base na rin sa posts ni KaladKaren ay nagdiriwang siya ng Christmas season kasama ang nobyo sa Pilipinas noong 2016 at sa England noong 2015 at 2017. 

Minsan na ring nasabi ni KaladKaren na parehong tanggap ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nila ng nobyo. 

Base sa panayam niya sa DZMM radio show na Pasado 630 noong September 2017, sabi ni KaladKaren, "Sinasabi niya sa pamilya niya, ‘Jervi has a new viral video.’ Tapos sini-share niya sa mga kaibigan niya.

"And I think he's very proud of me. And I am very thankful for that." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN