Andi Eigenmann posts good luck message to surfer boyfriend who will compete in Japan

IMAGE Noel Orsal / @chepoxz on Instagram

Actress Andi Eigenmann and rumored boyfriend Philmar Alipayo consider each other "idol."


Idinaan sa social media ni Andi Eigenmann at napapabalitang boyfriend nitong si Philmar Alipayo, isang champion surfer, ang paghanga nila sa isa’t isa.

Wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa, pero matutukoy na may espesyal na namamagitan sa kanila base sa social media posts nila.

Ngayong Martes, September 11, nag-post ng good luck message via Instagram Story si Andi para kay Philmar, na lilipad papuntang Japan.

Kasama si Philmar sa Philippine team na lalahok sa 2018 UR ISA (International Surfing Association) World Surf Games mula September 15-22.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong sasali ang Pilipinas sa surfing competition, na lalahukan ng 42 representatives mula sa iba't ibang bansa.

Mensahe ni Andi para kay Philmar, “Goodluck sa aking #1 idol lodi.”

Sa sumunod na post, nagpasalamat ang aktres sa surfer dahil sa magandang impluwensiya nito sa kanya.

Mensahe ni Andi, “Salamat for inspiring me to be a better, healthier, stronger, more disciplined version of myself.

“Paglaki ko gusto ko maging katulad mo.”

Ni-repost naman ni Philmar ang post ni Andi at dinagdagan niya ito ng caption.

Makahulugang mensahe ng surfer sa aktres, “Ikaw ang lodi ng buhay ko.”

Ipinost din ni Philmar ang picture nila ni Andi at may mga katagang “Miss you.”

Lumutang ang balitang may bagong karelasyon si Andi noong August nang kumalat sa social media ang sweet photos ng dalawa.

Si Philmar ay tubong-Siargao, kung saan madalas magpunta si Andi ngayon.

Si Philmar ang kauna-unahang champion ng Philippine Surfing Championship Tour Men’s Division noong 2017.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?
Andi Eigenmann in a relationship with champion surfer?
Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos
Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN