Enchong Dee supports best friend Rayver Cruz's transfer to GMA-7

IMAGE Bernie Franco / Noel Orsal

Kapamilya actor Enchong Dee (left) on best friend Rayver Cruz's (right) transfer to GMA-7: "I know it would be better for him when it comes to finances, when it comes to projects." 


Kumpiyansa si Enchong Dee na mapapabuti para sa kaibigang si Rayver Cruz ang paglipat nito sa GMA-7.

Bukod sa magkaibigan, dating magkasama sina Enchong at Rayver sa ABS-CBN at parehong nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management ng Kapamilya network.

Noong nakaraang linggo ay naging pormal na ang pagbabalik ni Rayver sa Kapuso network pagkatapos ng 18 taon.


Stories We Are Tracking

Rayver reveals reason for leaving ABS-CBN, returning to GMA
Rayver reveals reason for leaving ABS-CBN, returning to GMA

Ayon kay Enchong, "Rayver is like a brother to me.

"Pag nag-uusap pa kami, lagi kong sinasabi, ina-announce ko siya ang best friend ko sa trabahong ito, e.

"Sobra kaming supportive sa kanya when we found out that he was moving.

"Alam namin yung nangyayari sa kumpanya namin, but not on the other network.

"So for him to make that move, I know it would be better for him when it comes to finances, when it comes to projects."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Enchong sa story conference ng Elise, ang upcoming movie niya kasama si Janine Gutierrez para sa Regal Entertainment, Inc.

Ginanap ang storycon nitong Martes, September 11.

Bukod kay Enchong, isa pang ka-close ni Rayver sa ABS-CBN ay si Gerald Anderson.

Hindi ba pinigilan nina Enchong at Gerald si Rayver na lumipat ng network?

Tugon ng 29-year-old actor, "No, no. Hindi.

"Kasi it would be selfish for me, it would be selfish for us, sa amin ni Gerald, if we talked him out of that decision.

"And as early as now, he's preparing for a project already, di ba?"

Ang tinutukoy ni Enchong ay ang upcoming teleserye ni Rayver sa GMA-7 kasama sina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Kumpiyansa rin ang Kapamilya actor na magiging maganda ang takbo ng career ni Rayver sa paglipat nito sa Kapuso network.

"Sabi ko nga, 'Bro, alam mo, hindi ka mahihirapan. Unang-una, magaling ka sa pag-arte, sa pagsayaw, sa pagkanta.

"'Number two, ang galing mong makisama. And number three, nandun si Janine [Gutierrez], puwede kayong magtulungan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy for him. I will miss him though. But full support."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN