Christian Bautista reacts to rumored network transfer of Regine Velasquez

IMAGE Noel Orsal

Christian Bautista on network transfer: "I know how it feels, ako rin naman lumipat din naman ako, meron din namang mga usapan na ganyan. And there are some cases na pina-private talaga for reasons."


Lumalakas ngayon ang usap-usapang lilisanin na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang GMA-7 pagkatapos ng 20 taon.

Ilang blind items na ang lumabas tungkol sa isang top Kapuso star na aalis na raw sa network upang lumipat sa ABS-CBN.

May mga nagsasabi ring last taping day na raw next week ng Sarap Diva, ang weekly talk show ni Regine na nagsimulang umere noong 2012.

Tatapusin na lamang daw ng Asia’s Songbird ang singing competition na The Clash, na ang huling episode ay sa September 30, at hindi na siya magri-renew ng kontrata sa GMA-7.

Kaugnay nito, kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kasamahan ni Regine sa The Clash na si Christian Bautista.

Weekly silang nagkakasama ni Regine sa taping kaya inusisa namin kung may alam siya tungkol sa isyu.

Tugon ng singer, "Meron akong naririnig na mga news articles na meron daw… baka umalis si Ate Reg.

"And press have been asking me kung tinanong ko na ba, what do I feel.

"And I always answer naman na, 'I haven't asked Ate Reg yet kung what about this news.'

"And I told myself na I will only comment kapag may nangyari na."

Patuloy ni Christian, "So, halimbawa, kung totoo, then congratulations. Then, kung hindi, hey...

"I don't want to add, e... I don't want to add to it kasi it's her decision, e.

"It's her family's decision."

Kapag usapin tungkol sa network transfer, nakaka-relate daw rito ang Asia's Romantic Balladeer.

Nagsimula si Christian sa bakuran ng ABS-CBN bilang contestant sa singing search na Star In A Million noong 2003.

Pagkalipas ng sampung taon, noong 2013, lumipat siya sa GMA-7.

Aniya, "I know how it feels, ako rin naman lumipat din naman ako, meron din namang mga usapan na ganyan.

"And there are some cases na pina-private talaga for reasons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi ko muna tinatanong si Ate Reg."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si Christian sa presscon ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim ngayong araw, September 12.

Kabilang sa humarap sa press sina Christian, Julie Anne San Jose, Super Tekla, Donita Nose, at Marian Rivera.

Hindi nakarating si Ai-Ai delas Alas dahil mayroon itong sakit.

Gaganapin naman ang Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim sa The Grove of Anaheim, Los Angeles, California, sa October 7.

KAPUSONG PINOY SA ANAHEIM

Maagang magbibigay ng mga regalo sina Christian, Ai-Ai, Super Tekla, Julie Anne, Donita, at Marian sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Anaheim, California.

Maghahatid ng ilang oras na kantahan, kamustahan, sayawan, at halakhakan ang anim na Kapuso stars para sa mga Pinoy doon.

Saad ni Christian, "Merong mga tao na gusto laging may bago, meron namang tao na who loves the feeling of a familiar face.

"So, dahil nakailang punta na rin kami dun sa Amerika, parang yun ang gusto kong dalhin.

"I am your familiar friend, na parang magkakakilala tayo, you know me and I know you.

"And meron tayong bond na na-develop through the years na nagku-concert kami dun.

"So, importante din na kantahin pa rin ang old songs ko at importante na ipakilala ko ang sarili ko sa bagong audience naman.

"At ang pinakaimportante is, of course, bigyan namin sila ng saya, a good time, pero sana meron kaming ma-offer na memorable na maiuuwi nila."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN