Marian Rivera deflects questions about political plans of husband Dingdong Dantes

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera when asked again about the political plans of her husband Dingdong Dantes: "Siguro yung asawa ko na lang ang sasagot sa bawat questions tungkol sa pulitika."


Ilang araw pagkatapos madulas tungkol sa pagtakbo ng mister niyang si Dingdong Dantes sa 2019 elections, umiwas na si Marian Rivera na magsalita nang muling makausap ng press.

Matatandaang sa presscon ng produktong iniendorso niya last week ay kinumpirma ng Kapuso actress na tatakbo ang kanyang mister, ngunit hindi niya sinabi kung anong posisyon.

Ngayong linggo ay lumabas ang balitang kasama ang pangalan ni Dingdong sa listahan ng mga posibleng tumakbong senador sa ilalim ng Liberal Party sa 2019 elections.

Nasa possible senatoriables din ng LP ang singers na sina Agot Isidro, Jim Paredes, at Leah Navarro.


Stories We Are Tracking

Marian Rivera hints at Dingdong Dantes's political plans
Marian Rivera hints at Dingdong Dantes's political plans
Dingdong, Agot, among possible LP senatoriables in 2019
Dingdong, Agot, among possible LP senatoriables in 2019

Ngayong araw, September 12, muling nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marian sa presscon ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim.

Kabilang si Marian sa Kapuso stars na lilipad sa Anaheim, California upang magbigay ng kasiyahan sa mga kababayan natin doon.

Sa presscon ay muli siyang tinanong tungkol sa pagsabak sa pulitika ng mister niyang si Dingdong.

Ngunit paiwas na sagot ni Marian, “Yung reaction? Siguro yung asawa ko na lang ang sasagot sa bawat questions tungkol sa pulitika.

“Isa lang ang masasabi ko, ang tao, walang masamang hangad lalo na kung ikabubuti ng kapwa.”

Susuportahan ba niya ang asawa kung sakaling pasukin na nga nito ang pulitika?

“Asawa ko na lang ang tanungin niyo diyan,” pag-iwas muli ni Marian.

EARLY CHRISTMAS TREAT

May maagang pa-Christmas treat ang GMA Pinoy TV sa mga kababayan natin sa Aneheim, California.

Ito ay sa pamamagitan ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim, na gaganapin sa October 7 sa The Grove of Anaheim, Los Angeles, California.

Dahil sa drama anthology na hinu-host niya sa GMA-7, ang Tadhana, mas lalo raw naging malapit sa puso ni Marian ang mga OFW.

Kaya espesyal sa kanya ang gagawing show kasama sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, at ang mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Marian, “Espesyal kasi minsan lang sa ilang taon. Three years ago ang last, last ko.

“Siyempre, sa bawat pagpunta dun, hindi mo kasi matatawaran ang makikita mong mukha, ang saya.

“So, siguro yun ang nilu-look forward ko at pinakaespesyal sa akin.

“Kapag yung bawat Pinoy makikita mo sa ibang bansa na nararamdaman nila ang pagmamahal mo at nararamdaman nila na kahit wala sila sa Pilipinas, e, nasa Pilipinas sila—at yun ang mahalaga.”

Pag-uusapan pa raw nila ni Dingdong kung isasama ni Marian ang anak nilang si Zia sa kanyang pag-alis.

Ayon sa aktres, “Well, pinag-uusapan pa namin kasi trababo ang gagawin ko doon. ‘Tapos, baka ma-jetlag ang anak ko. ‘Tapos pumapasok.

“Pag-uusapan naming mag-asawa.”

Yun lang, kakayanin kaya niyang iwan nga ang anak?

“E, basta… siyempre, kung ano ang makakabuti sa anak ko.

“Ano ba naman yung five days na mag-sacrifice ako kesa ma-jetlag, may mga pasok sa school?”

Pero natatawa niyang dagdag, “Pero baka isama ko. Hindi ko pa alam. Pag-iisipan ko!”

Ano naman ang gusto niyang hilingin ngayong darating na Kapaskuhan?

“Alam niyo na yun,” nakangiting sagot ni Marian.

Puwede ba niyang i-share?

“Saka ko na isi-share. Kapag malapit na ang Pasko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN