Andi Eigenmann explains bruises on her face; shuts down naysayers

IMAGE Noel Orsal / @andieigengirl on Instagram

Andi Eigenmann explains how she got the bruises on her face to shut down netizens who were making up stories.


Binuweltahan ni Andi Eigenmann ang mga “chismosa” at “pakialamera” na aniya'y gumagawa ng mga kuwentong walang katotohanan.

Nagsimula ito nang mag-post ang aktres sa Instagram ng larawan niyang may sugat at namamagang mukha

Dahil dito, ilang netizens ang nag-speculate na binugbog diumano si Andi kaya may mga sugat at pasa ito sa mukha.

Ngunit nilinaw agad ito ng aktres sa kanyang post ngayong Miyerkules, September 12.

Bahagi ng caption niya, “This is for all those who are so good at exaggerating and creating stories in their heads.”

Paliwanag ni Andi, aksidente siyang tinamaan ng surf board kaya nasugatan ang pagitan ng kanyang dalawang mata.

“Due to the impact, my eyes and nose swelled up,” sabi ng aktres.

Ipinaliwanag daw ng kaibigang doktor ni Andi na posibleng dahil sa trauma ng sugat kaya nagkaroon ng pamamaga sa kanyang mukha.

Ayon pa sa aktres, binalaan na siya ng kanyang rumored boyfriend na si Philmar Alipayo na mag-ingat subalit naging careless daw siya.

Nang humupa raw ang pamamaga, lumitaw ang mga pasa.

“Then after swelling subsided it turned into this. So NO. Nobody beat me up. Nobody hurt me.

“I am fine! Accidents happening. I love surfing!

“And if no minor accident will make me quit, neither can your nonsense.”

Madalas manatili ngayon si Andi sa Baler, Quezon para magpahinga muna sa showbiz at piniling mamuhay nang simple.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann on money matters: I'm okay with just enough.
Andi Eigenmann on money matters: I'm okay with just enough.
Andi finds genuine happiness after selling her luxury items
Andi finds genuine happiness after selling her luxury items


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN