Ritz Azul saving it for the man she'll marry: "Yun na ang gift ko sa kanya."

IMAGE @ritzazul on Instagram

 Ritz Azul for all the sexy roles she has done remains conservative, "Kasi probinsyana rin ako," she says.


Nanatiling virgin si Ritz Azul sa edad nitong 24, ang walang patumanggang deklara ng aktress tungkol kanyang status.

“Of course, at 24 years old,” halakhak niya, “Siyempre, sa family ko, kasi probinsyana rin ako. 

“Yung magulang ko naniniwala sa gano'n.  Siguro sa upbringing rin at sa kasama, sa influence.

“As much as possible gusto ko pag ikinasal, kumbaga, yun na ang gift ko sa kanya. 

“Pag nakita ko na siya, yung the one… Parang sacred ang pagiging gano'n. 

Hindi itinanggi ni Ritz na isang non-showbiz guy na may sariling business ang pinag-uukulan niya ng panahon.

“Well, may dini-date ako ngayon… Tignan na lang natin.”

Minsan nang na-link si Ritz kay Derek Ramsay nung nasa TV5 pa sila at nagkasama sa action fantaserye na Kidlat.

Tanging si Derek pa lang ang na-link sa kanya at hanggang doon na lang daw iyon, walang anumang nangyari pa sa kanila.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ritz sa presscon ng una niyang mainstream movie, ang The Hopeful Romantic with Pepe Herrera as her leading man.

Naganap ito nung Huwebes, September 6, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Malapit nang ipalabas ang pelikulang ito ng Regal Entertainment sa direksyon ni Topel Lee.

PRICELESS

Ayon kay Ritz ang kawalan daw ng experience ang dahilan kaya challenge sa kanya na gumanap ng mga sexy roles.

“Kasi sexy ka nga, di ba? Kailangan may experience ka, kailangang may ideya ka kung paano.

“Yun yung challenge sa part ko na paano ko ipu-portray nang maayos yung bagay na hindi ko alam… kaya artista siguro.”

Hanggang halikan pa lang daw ang naranasan ni Ritz sa mga nagawa nyang acting projects.

Lagi raw niyang binibigay ang tiwala sa kanyang kapartner kapag may bed scene.  

Sinasabi raw niya, “‘Wala akong experience sa bagay na ‘to, ha, ikaw na bahala,’ ginagano'n ko sila.”

Sinubukan na ba ni Ritz manood ng porn sa Internet para lang magka-idea siya how to act it out?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang namilipit na nailang si Ritz sa tanong.

“Honestly, hindi.  Meron akong napanood na Bluer Than Blue pero nung nag-i-start na, hindi ko ma-take. 

“Hindi ko tinuloy, siguro, bilang ganito nga ako, hindi ko pa sya ma-take.

“Meron akong napapanood na mga Hollywood movies na mga topless na babae at sa lalake rin na minsan nagpapakita ng butt.

“Mga gano'n lang, walang bed scene or pumping, wala, wala!”

Para kay Ritz, “priceless” na nanatili siyang virgin.

At nangyari na nga sa kanya ang isang indecent proposal.

“May nag-offer, pero hindi ko kilala kung sino. Ang sabi for an event, sabi dinner. 

“‘Ah, okey po...ilang kanta po?’ sabi pa ng manager ko.

“Actually, papa ko pa ang tinawagan,  ‘Ah, wala pong kanta.’ Tapos nagsabi na nang presyo.”

Tumanggi nang magbanggit nang presyo si Ritz.

Patuloy pa nya, “‘Hala, bakit ang laki?’ sabi ko pa.”

“'Tapos in-explain naman sa manager ko pa, ‘Ay, wag, daddy.’ Bago pa kasi ako nun, TV5 pa 'ko.

“Doon ako na-open sa gano'n, hala, may mga gano'ng proposal pala.

“Hindi talaga… hindi talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN