Angelica Panganiban reacts to rumors linking her to Carlo, Zanjoe, JM, JC

IMAGE Rachelle Siazon

Angelica Panganiban evades who among Carlo Aquino, Zanjoe Marudo, JM de Guzman, and JC Santos is closest to her heart: "Hindi rin naman sila nagsasabi na gusto nila ako, e. So mahirap yung ako ang magsabi kung sino ang pinakamalapit sa puso ko. Nakakahiya! Hindi nakaka-girl!"


Idinaan ni Angelica Panganiban sa biro ang pagkakaugnay niya sa kanyang leading men na sina Carlo Aquino, Zanjoe Marudo, at JM de Guzman.

Dagdag pa rito si JC Santos, na namataang kasama ni Angelica at kanilang common friends na nagbakasyon sa Hong Kong noong end of August.

Hirit ni Angelica, “Wow! Sobrang ganda ko! Thank you Lord for this face!”

Sino kina Carlo, Zanjoe, JM, at JC ang pinakamalapit sa kanya?

Paiwas na sagot ni Angelica, “Secret! Bakit ko sasabihin?”

Nang sumeryoso si Angelica, nilinaw niyang wala siya sa posisyong magsabi kung sino sa apat na lalaki ang pinakaespesyal sa kanya.

Lalo na’t wala raw sa mga ito ang pormal na nanliligaw sa kanya.

“Hindi rin naman sila nagsasabi na gusto nila ako, e," paglilinaw ni Angelica.

“So mahirap yung ako ang magsabi kung sino ang pinakamalapit sa puso ko. Nakakahiya! Hindi nakaka-girl!”

FOUR DASHING MEN

Isa-isang ipinalarawan kay Angelica ang pagiging malapit o pagkakaugnay niya kina Carlo, Zanjoe, JM, at JC.

Una na si JM na nagdiwang ng 30th birthday nito sa bahay ni Angelica noong Linggo, September 9.

“Kasi sabay sila nag-birthday ni Ketchup," pagtukoy ni Angelica kina JM at Ketchup Eusebio.

Patuloy ng dalaga, "As in sabay na sabay. Kaya naman naisipan din ni Ketch na isabay na yung birthday niya dun.

“Nagpaalam naman si JM nang maayos kung okey ba na dun siya mag-celebrate sa bahay ko, sabay na kay Ketch.”

View this post on Instagram

Happy birthday @1migueldeguzman lagi mong tandaan na, “ayos lang yan”

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Hindi rin kaila na isa sa VIP guests si Angelica sa birthday party ng ex-boyfriend niyang si Carlo early this month.

Natatawang sabi ni Angelica, “Mahilig ako magpunta sa mga parties. Kahit yung Hong Kong, pinupuntahan ko.

"Basta kaya kong puntahan, pupuntahan ko. Ganun akong kaibigan."

View this post on Instagram

Sayo lang hindi nagbago ang salitang pagmamahal. Maligayang kaarawan @jose_liwanag

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Ang tinutukoy niyang Hong Kong trip ay ang pagpunta niya roon nang mag-birthday ang malapit niyang kaibigang direktor na si Andoy Ranay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Doon din nakasama ni Angelica si JC dahil “manager niya si Direk Andoy.”

Si Zanjoe naman ay 10 years nang kaibigan ni Angelica, at kilala na raw niya ang track record nito pagdating sa pakikipagrelasyon.

Dagdag pa ni Angelica, kaibigan niya ang mga naging girlfriend ni Zanjoe kaya alam ng aktres kung gaano ito kabait na nobyo.

View this post on Instagram

Team Alphabet ???? Playhouse

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Angelica pagkatapos ng presscon ng Playhouse, ang bagong ABS-CBN daytime series na pinagbibidahan nila ni Zanjoe.

Ginanap ang presscon sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa Quezon City, kagabi, September 12.

OPEN TO LOVE

Nanatiling mailap si Angelica kung mayroong partikular na tao siyang nagugustuhan ngayon.

"Secret!" nakangiting pag-iwas niya.

Kung saka-sakali, mas tataas ba ang standard niya sa pagpili ng susunod na makakarelasyon?

Sagot ni Angelica, “Wala namang standard. Hindi mo naman siguro mapipili kung kanino tumibok yun.

"Pag nakalabit na yung feelings mo, nakalabit na yun.

“Siguro mas may ingat lang. Hindi yung standard ay tataas. ‘Ay, siguro dapat ganito, businessman.’

"Ano kaya yun? E, lalaki pa rin naman yun."

Sa huli, sabi lang ng dalaga, "Yun nga. May crush naman talaga ako. Hindi naman yun masama.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN