Enchong Dee shrugs off below-the-belt attacks for his political views

IMAGE Bernie Franco

Enchong Dee believes celebrities like him have the power to influence the people positively. The actor is very vocal about his political views, even if it means getting bashed by those whose views differ from his own. 


Hindi raw apektado si Enchong Dee sa tuwing binabanatan siya ng personal na atake ng bashers dahil sa kanyang political views.

Isa ang Kapamilya actor sa mga artistang very vocal sa pagbibigay ng kritiko sa kasalukuyang administrasyon at pagpapahayag ng saloobin via social media.

Kamakailan ay may ilang miyembro ng isang sexy female group, na kasalungat niya sa opinyon sa pulitika, ang kumuwestiyon sa sekswalidad ng aktor.

“I’m used to it. I can face them, like, if we do a debate, I can outtalk them,” paliwanag ng 29-anyos na aktor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Elise, ang kanyang upcoming movie kasama si Janine Gutierrez. 

“So, right now, what I’m saying, kahit hindi kami magsalita ngayon, the majority of the people are talking, which is good, which is healthy for our country,” pagtukoy ni Enchong sa mainit na usaping pampulitika ngayon sa social media.

Hindi raw siya naiinsulto sa mga below-the-belt na pambabatikos sa kanya ng netizens.

Paliwanag ni Enchong, “Hindi talaga, e.

"Kasi you would always have opposite comments, or opinions, or views and that make our country beautiful, that make our country strong, and the democracy strong, when we have opposing views.

“But it’s different when you do it in social media because you fight someone with no face, you’re fighting with someone who cannot defend their opinions intellectually, thus they would go to personal attacks.

“So, it’s not offending when you’re fighting with someone who has no personality, because after all, it’s a ghost, di ba?”

Hirit pa ng aktor, “But I like it when I get to hang out with my friends or someone I don’t know with opposing views, then we get to share.

“And right now, obviously, I don’t need to talk, because majority of the people are talking already.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aktibo raw siya pagdating sa usaping pulitika kahit noong nasa kolehiyo pa lamang siya.

Si Enchong ay nagtapos ng kursong Developmental Studies sa De La Salle University.


Stories We Are Tracking

Enchong Dee calls politicians
Enchong Dee calls politicians "useless" over CHR budget
Enchong, Pokwang, Bianca condemn drug war killings
Enchong, Pokwang, Bianca condemn drug war killings


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN