Rhian Ramos now more comfortable flaunting bikini bod on social media

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Rhian Ramos sheds off body insecurities and is now more comfortable flaunting her bikini bod on social media. "Siguro dahil after the longest time parang nababawasan na yung mga insecurities ko sa sarili ko."


Ipinaliwanag ni Rhian Ramos kung bakit mas madalas na siyang mag-post ng naka-bathing suit or two-piece bikini sa social media.

Aniya, “Siguro dahil after the longest time, parang nababawasan na yung mga insecurities ko sa sarili ko, at natatanggap ko kung ano yung meron ako at wala ako. At nagpu-focus ako sa kung anong meron ako.

“Kasi siyempre, when you're young and you have all those insecurities, nagpu-focus ka palagi sa kung ano wala sa iyo, e.”

Bukas din daw si Rhian sa mas daring na photo shoot, kahit pa mag-nude siya.

Natatawang sabi niya, “If there’s a good reason to. Pero wala pang napi-present sa akin na good reason!”

Alinlangan nga lang ang 27-year-old Kapuso actress sa paghuhubad sa pelikula.

“A, hindi ko pa alam kung handa ako!” natatawa niyang sagot.

“Natatanong ko iyan sa sarili ko lagi. Sa ngayon, hindi pa ako ready."

Patuloy niya tungkol sa kanyang limitasyon sa pagpapakita ng katawan, "Hindi ko alam, kasi if you’re an artist, parang ang hirap i-balance na tao ka at the same time artist ka.

"Tao ka, parang ang dami mong, 'Ay, ayoko, akin to, e.'

“Pero pag artist ka, lahat ibinibigay mo, e.”

View this post on Instagram

I spent today doing nothing ???? Then I took a nap. Then went back to doing nothing.

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos) on

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa pocket interview ng upcoming action movie na The Trigonal. 

Ginanap ang presscon sa Romulo Cafe sa Tomas Morato, Quezon City, nitong Miyerkules, September 12,

Bida sa pelikula si Ian Ignacio. Kasama rin sa cast ang nagbabalik-pelikulang si Makati City First District Representative Monsour del Rosario, na nakilala noon bilang action star at martial arts expert.

ACTION STAR

Sa The Trigonal ay sumabak sa action si Rhian at gumawa ng fight scenes.

Proud niyang kuwento, “Si Sara [Chang, co-star sa movie], tinuruan ako sa set. 

"Kasi we were in Bacolod the whole time.

"So, since everyone was there na and I would fly in and out of Bacolod, tinuturuan na nila ako doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil kaliwa’t kanan ang ginagawang acting projects ni Rhian, hindi nya nagawang mag-training muna ng martial arts gaya nang ginawa nina Anne Curtis para sa BuyBust at Erich Gonzales para sa We Will Not Die Tonight.

“No, not that much,” sabi niya.

“Beforehand, I had one really long action sequence that I am proud of.

"'Tapos lahat ng mga co-stars ko, tinuturuan ako, kasi everyone on the set is a real fighter. 

“Medyo naka-concious din na sila ang mga nakakasama ko, pero nakakatuwa din yung pag-support nila sa akin na kahit hindi sila kasama sa eksena, nandun sila sa set 'tapos tinuturuan nila ako.”

Sa halip na mahirapan, mas nagustuhan pa raw ni Rhian ang mag-action.

“Na-enjoy ko, e,” sambit nya. 

“Para siyang, there’s something about it that’s acting and dancing at the same time.”

Hindi nasaktan o nagalusan si Rhian sa mga action scenes nito, pero may nasaktan siyang kasamahan sa set.

“I think I accidentally hit someone!” sabay tawa niya nang malakas.

“One of the stuntmen, but he forgave me right away. Kailangan lang niyang mag-recover for a second.

"But they're all very nice and professional."

Si Sara Chang ay American-Chinese at isang Wushu martial arts expert, samantalang si Monsour ay medalist ng Taekwondo bago pa ito pumasok sa showbiz.

Kumusta ang pakikipagtrabaho sa dalawa?

Ani Rhian, “Well, they're all so experienced in fighting, they compete even.

"So yun nga, on one hand nakaka-concious siya. Hindi naman ako talaga action star and never din naman ako nag-martial arts.

“They were very patient with me though. They would take extra time pagka-afternoon at pag wala muna akong sequence that day, ini-schedule na nila ako ng konting training, ganun.

“And yun nga, they're very helpful pagdating sa eksena ko mismo, teaching me the proper form and how to look legit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Rhian, pinili niyang gumawa ng action film project ngayong 2018.

“Well, naging choice ko din siya. Kasi last year ang tagal-tagal kong naghintay para gumawa ng isang comedy.

"'Tapos nung nakagawa ako, I knew that the next thing that I want to try was action.

“So, nung pagkatapos ng shoot ng The One That Got Away, tumanggap na ako ng mga action.”

Tatlo na ang nagagawang action films ni Rhian: Panday, Tres, at The Trigonal.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN