Pokwang's rant against Meralco draws mixed reactions

IMAGE Photo grabbed from PEP video

Pokwang justifies her tweet about being dismayed by Meralco for cutting off their electricity just one hour after she paid her bills. 


Magkakahalo ang naging reaksyon ng netizens sa hinaing ni Pokwang tungkol sa pagputol ng Meralco sa linya ng kanilang kuryente.

Sa tweet ng Kapamilya comedienne noong Huwebes, September 12, ipinaliwanag niyang masyado siyang busy sa trabaho kaya hindi agad naasikaso ang pagbabayad ng kuryente.

Ngunit isang oras pagkatapos niyang bayaran ang kanilang electric bill ay pinutulan pa rin sila ng kuryente.

Kaya buwelta ni Pokwang sa Meralco: "Putol agad kung kelan nabayaran na after 1 hour??? Walang pinagkaiba sa buwitre mga letse kayo!"


Stories We Are Tracking

Pokwang calls out Meralco for cutting off their electricity
Pokwang calls out Meralco for cutting off their electricity

Magkakaiba naman ang naging reaksiyon dito ng netizens—may mga hindi sumang-ayon at mayroon ding kumampi sa kanya.

Kabilang sa mga negatibong komento ay nagsabing kaya nga may due date ang bill; dapat ay sumusunod sa batas; hindi siya dapat feeling entitled; lahat naman daw ay busy.

Hindi nagustuhan ni Pokwang ang tweet ng isang netizen, na burado na ngayon.

Dito ay ipinaliwanag niya kung bakit nagpupuyos sa galit ang kanyang naunang tweet.

Buwelta niya sa netizen, "Hoy nobody taga meralco kaba? at nanggagalaiti ka?

"hindi ka nanay kaya wag kang epal! nag nenebulize ako sa anak ko na may sipon at kakabayad ko lang ng pinutol nila tanga ka?

"sana nagbabasa ka muna shunga!!!"

Si Malia ay ang eight-month-old na anak ni Pokwang sa kanyang American boyfriend na si Lee O'Brian.

Sa kabilang banda, marami rin ang nakisimpatya sa Kapamilya actress.

Ang ilan ay ibinahagi pa ang kanilang parehong karanasan.

Ang ibang netizens naman ay pinayuhan si Pokwang kung paano mapapabilis ang pagbabayad ng kuryente, kagaya ng online transactions.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN