GMA-7 assistant director in coma after collapsing

IMAGE Courtesy: William Jr Thayer on Instagram

William Thayer Jr., assistant director of several Kapuso teleseryes, is now fighting for his life after collapsing. Some of his notable works as assistant director are Hindi Ko Kayang Iwan Ka, The One That Got Away, Destined To Be Yours, Someone To Watch Over Me, and Little Nanay.


Nanawagan ng dasal ang mga kasamahan sa trabaho at kapamilya ng assistant director sa GMA-7 na si William Thayer Jr.

Agaw-buhay raw ngayon ang direktor pagkatapos nitong mag-collapse ngayong Biyernes ng umaga, September 14.

Ayon sa Facebook post ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) contributor na si Mell Navarro, kasalukuyan daw nire-revive sa Capitol Medical Center, sa Quezon City, si Thayer.

Comatose na raw ito.

Nakasaad sa post ni Mell, "GMA's TV asst director William Jr Thayer is being revived in Capitol Medical after he collapsed dis am. Now in coma. PRAYERS PLS."

Kinumpirma rin ng isang program manager ng GMA-7 ang balitang nasa ospital ang direktor, ngunit hindi ito nagbigay ng iba pang detalye.
Sabi pa nito, "Losing heartbeat. Need prayers."
Ilan sa mga programa ng GMA-7 kung saan nagsilbing assistant director si Thayer ay ang katatapos lamang na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, The One That Got Away, Destined To Be Yours, Someone To Watch Over Me, at Little Nanay.

Naging assistant director din siya sa mga pelikulang Diary ng Panget at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, at ng Hollywood film na The Bourne Legacy (local first assistant director in Manila).


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN