Enchong Dee finds seeking romance while traveling a waste of time

IMAGE Bernie Franco

ABS-CBN actor Enchong Dee, who loves to travel abroad, goes into details why he thinks looking for a special someone when traveling is difficult. 


Nakatakdang pumunta sa iba't ibang bansa si Enchong Dee para sa trabaho at personal na pagbibiyahe.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kabilang sa mga bansang bibisitahin ng Kapamilya actor ay ang South Korea, Denmark, Australia, Egypt, at Dubai.

Hilig ng 29-anyos na aktor ang pagbibiyahe, kaya naman nakapagsulat pa siya ng libro tungkol dito, ang Basta Trip Mo.

Sa guest appearance niya ABS-CBN late-night show na Tonight With Boy Abunda noong August, inamin ni Enchong open siya na magkaroon ng fling kapag nasa ibang bansa.


Stories We Are Tracking

Enchong Dee admits fling with someone in one of his travels
Enchong Dee admits fling with someone in one of his travels

Nang makausap ng PEP.ph ang aktor sa story conference ng upcoming movie niya with Janine Gutierrez noong September 11, tinanong si Enchong kung naghahanap ba siya ng special someone kapag nagbibiyahe?

“I think it’s very hard, it’s very hard when you travel 'tapos yun ang objective mo… to find someone.

“If it happens, it would be good, but it’s hard, e. It’s difficult,” pahayag ng aktor.

“So right now, I don’t wanna waste my time on something that would be difficult, something that would be complicated in the future.”

Sabi pa ni Enchong, marami siyang nakikilala sa pagta-travel niya pero hindi romantic ang mga ito.

“Romantically, I don’t think so. But, like, you meet a lot of people, iba-iba: different colors, different religions, different culture, and you get to understand them, which I think is more important than just being romantically connected.”

Sinasamantala raw ni Enchong ang pagkakataon na makapagbiyahe habang wala pa siyang ginagawang teleserye.

Bukod sa mga shows abroad, at pelikula, baka raw sa susunod na taon na siya makakagawa ng teleserye.

“Nagagawa ko lang ngayon kapag walang teleserye. Kasi, di ba, pag may teleserye ka, dito ka lang talaga sa Pilipinas?” paliwanag ng aktor.

Sa susunod na taon daw ay nakatakda siyang maging bahagi ng isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSONS IN TRAVELLING

Ibinahagi rin ng aktor kung ano ang mga natututunan niya sa mga pagbiyahe abroad.

"I say this a lot because personally, when I travel alone, especially, traveling introduces myself to myself," makahulugang paliwanag ni Enchong.

"You reintroduce yourself sa sarili mo. And dun mo mari-realize na, 'Ah, kaya ko palang magplantsa ng damit. Hindi pala ako nagpa-panic kapag may nangyayaring ganito. Ah, mainitin pala ang ulo ko kapag nawawala ako.' Yung mga ganun.

"You don’t let others describe you when you travel.

"You, yourself, you get to know yourself.

"Plus, education. You meet a lot of new friends because you're by yourself," aniya. 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN