Onanay assistant director William Thayer Jr. dies at 49

IMAGE Courtesy: William Jr Thayer on Facebook

GMA-7 assistant director William Thayer Jr. (in photo, with Nora Aunor) was on the set of Onanay this morning, September 14, when he collapsed.


Pumanaw na si William Thayer Jr., ang assistant director ng GMA-7 prime-time series na Onanay.

Ito ay ayon sa ipinadalang mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng isang program manager ng Kapuso network.

Binawian ng buhay ang direktor bandang 2:37 ngayong Biyernes ng hapon, September 14. Siya ay 49 years old.

Ayon pa sa kausap ng PEP.ph, nasa taping si Direk William ng Onanay kaninang umaga nang nag-collapse ito.

Kaagad daw itong isinugod sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

"Dinala siya sa hospital ng program manager ng show kasama din ang direktor na si Gina Alajar.

"The wife came all the way from Pangasinan after hearing the news," sabi ng aming source.

Sa naunang ulat ng PEP.ph ay comatose na ang direktor at sinusubukang i-revive ng mga doktor.

Ngunit pagkalipas lamang ng ilang oras ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Ang ilan pang programa sa GMA-7 na nagsilbing assistant director si Thayer ay ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, The One That Got Away, Destined To Be Yours, Someone To Watch Over Me, at Little Nanay.

Nagtrabaho rin siya bilang assistant director sa mga pelikulang Diary ng Panget at Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, at sa Hollywood film na The Bourne Legacy (local first assistant director in Manila).

Mula po sa PEP.ph, ang aming taus-pusong pakikiramay.


Stories We Are Tracking

GMA-7 assistant director in coma after collapsing
GMA-7 assistant director in coma after collapsing


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN