RR Enriquez says no wedding talks yet with boyfriend Jayjay Helterbrand

IMAGE @rr.enriquez Instagram

RR Enriquez on key to lasting relationship with boyfriend Jayjay Helterbrand: "Naku! Kailangan maging mabait ka sa dyowa mo. Hindi ko siya inaaway."


Hindi naiinip si RR Enriquez, 32, kahit na hindi pa siya niyayayang magpakasal ng longtime boyfriend at retired PBA player na si Jayjay Helterbrand, 42.

Nine years na silang magkarelasyon sa kasalukuyan.

Pabirong sabi pa ni RR, siya ang hinihintay ng nobyo na mag-initiate na lumagay sila sa tahimik. 

“Hindi pa ako nagpo-propose! Hinihintay niya pa," natatawang pakli ni RR.

“Bata pa kasi si Jayjay. 42 pa lang siya. Kailangan umabot siya ng 50 bago ko siya anuhin.”

 Ayon kay RR, hindi rin naman siya nagmamadaling makasal sila ni Jayjay.

“Hindi pa rin ako ready. Marami pa akong pangarap sa buhay.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si RR sa Star Bazaar na inorganisa ng Globe myBusiness at PEP.ph sa SM Megamall noong August 17.

Ano ang sikreto kung paano nagtagal ang relasyon nila ni Jayjay?

Sagot ni RR, “Naku! Kailangan maging mabait ka sa dyowa mo. Hindi ko siya inaaway. Inaaway niya ako, pero hindi ko siya inaaway. 

“Feeling ko isa yun sa big factor. I learned na ang babae dapat minamahal, ang lalaki dapat nirerespeto.

“Kasi pag nawala yung respect, wala na.”

Tatlong taon nang nabakante ang showbiz career ni RR.

Huli niyang hosting project ang TV5 lifestyle show na Happy Wife, Happy Life noong 2015.

Bukas pa rin daw siyang magbalik-showbiz, “Siguro three years from now, kung may tatanggap pa sa akin.”

Pero sa ngayon ay abala siya sa sariling negosyo na nail and skincare spa salon.

“Mas gusto ko muna mag-concentrate ngayon sa business 'tsaka sa dyowa!”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN