Are Sunshine Cruz and Macky Mathay engaged?

Sunshine Cruz and Macky Mathay are celebrating their second anniversary as a couple this September.


Hindi napigilang mapaisip ng Instagram followers ni Sunshine Cruz at ng boyfriend nitong si Ismael “Macky” Mathay IV kung engaged na ba ang dalawa.

Ngayong Sabado, September 15, nag-post si Macky ng litrato nila ng aktres.

Dito ay mapapansin ang malaking singsing na nakasuot sa ring finger ni Sunshine dahilan upang tanungin ng kanilang followers kung sila ba ay engaged o ikakasal na.

Itinaon ni Macky ang post sa nalalapit nilang second anniversary ni Sunshine bilang magkarelasyon.

WHO IS SUNSHINE CRUZ BOYFRIEND

Nakumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na exclusively dating ang dalawa noong October 2016, matapos maging viral ang larawan nila na kung saan ay magka-holding hands sila. Half-brother ni Ara Mina ang ngayon ay tinatawag ng netizens na Sunshine Cruz boyfriend. Isang businessman si Macky.

Samantala, nagpadala ang PEP.ph lead correspondent na si Arniel Serato ng mensahe kay Sunshine upang tanungin tungkol sa singsing na suot nito.

Maiksing sagot ng Kapag Nahati ang Puso star, "It's not an engagement ring po... haha."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Facebook, direkta ring sinagot ni Sunshine ng "No" ang isang kaibigang nagngangalang Tina Diaz sa tanong nito na, "are u engaged?"

Sa huling panayam ng PEP.ph kay Sunshine, sinabi nitong hindi niya minamadali ang pagpapakasal kay Macky lalo't marami pa silang dapat ayusin.

Aniya, "For now, chill-chill lang, di ba? Let’s just cross the bridge when we get there.

"We’re in a happy place. Sa edad naming ito, hindi naman dapat ginagawang kumplikado.

"I’m busy with my kids and my work. He understands and supports me and my children in a way.

"So I’m thankful that someone like him is there for me."

Hindi pa tapos ang annulment case ni Sunshine sa dati nitong asawa na si Cesar Montano, maging si Macky sa asawang si Camille Farinas-Mathay.

Read: Sunshine Cruz on wedding talks with Macky Mathay: "Tapusin muna ang dapat ayusin."


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close