Sunshine Cruz reacts to columnist's statement attesting to Cesar Montano's generosity

IMAGE Courtesy: @cesar_montano on Instagram/Noel Orsal

Sunshine Cruz reacts to Inquirer entertaiment columnist Dolly Anne Carvajal's statement attesting to good friend Cesar Montano's generosity: "Walang magrereklamo kung totoo yang sinasabi mo Ms. Dolly Ann Carvajal. Again, this is not about me or for me but for the children."


Nag-post ng reaksyon si Sunshine Cruz sa isinulat ng Inquirer columnist na si Dolly Anne Carvajal sa kanyang Dollywood column na lumabas ngayong Sabado, September 15.

Kilala sa showbiz na matalik na magkaibigan si Dolly Anne at ang nakahiwalayang asawa ni Sunshine na si Cesar Montano.

Nagsimula ang isyu nang mag-post si Sunshine sa kanyang social media accounts na lumabas na rin dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong mga nakaraang linggo tungkol sa reklamo nito sa diumano’y pagkukulang ni Cesar sa financial support sa kanilang tatlong anak na babae.

Ipinost ni Sunshine sa kanyang Facebook account ang bahagi ng column ni Dolly Anne kunsaan nagbigay ito ng sariling opinyon niya tungkol sa isyu nina Sunshine at Cesar tungkol sa financial child support.

ATTESTS TO CESAR'S GENEROSITY

Lahad ni Dolly Anne sa kanyang column:

“Since almost everyone knows that Cesar Montano is my best friend, people have been badgering me about the child support issue that his ex-wife, Sunshine Cruz, has been yakking about.

“Although BFF Buboy (Cesar’s nickname) opened up to me, I’m not at liberty to divulge what we talked about.

“Suffice it to say that I have personally witnessed how generous and kind Buboy is to his friends’ kids, so what more to his own children?”

SUNSHINE'S REPLY

Sa status ni Sunshine, pinasubalian nito ang isinulat ng kolumnista.

Aniya, “Generous? LOL! Baka sa mga anak nyang mga bago? Inaanak mo nga ang isa sa kanila right? Sama ka sa korte next week para malaman mo ang totoo.

“Walang magrereklamo kung totoo yang sinasabi mo Ms. Dolly Ann Carvajal. Again, this is not about me or for me but for the children.”

DAUGHTERS DEFEND MOM

Nag-post naman ng comments sa reply section ng Facebook post ni Sunshine ang dalawa niyang anak na sina Angelina at Samantha bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN