Jessy Mendiola still feels kilig when asked about engagement to Luis Manzano

IMAGE @senorita_jessy on Instagram

Jessy Mendiola admits that she doesn't mind when reporters constantly ask her about her engagement to boyfriend Luis Manzano: "Hindi, hindi ako napipikon, kinikilig pa rin ako. Palagi akong kinikilig pag natatanong ako about that."


Naiintindihan ni Jessy Mendiola ang naging social media post ng kanyang kasintahang si Luis Manzano kamakailan, kunsaan nakikiusap ito sa publiko at sa entertainment press na huwag na sana silang paulit-ulit na tanungin tungkol sa engagement at planong pagpapakasal.

Pakiusap ng male TV host, ibalato na lang sa kanila ni Jessy ang espesyal na pagkakataong ito lalo't hindi naman nila ito itatago sa sandaling mangyari na nga ang pagpu-propose niya sa girlfriend

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa aktres sa set ng ASAP nung nakaraang September 9, nagpahayag si Jessy na sang-ayon siya sa gustong mangyari ni Luis.

Saad niya, “Nakakatawa nga yun, e.

“Nagpu-post 'tapos pag tinatanong, 'Ay, wait lang, nade-desensitize na kami.'

“Pero hindi, nakakatawa lang din, kasi parang open naman kami na we're planning.

“The right time will come, pero as of now, hangga't wala pa, hanggang di pa namin pulidong napaplano, wag na muna naming sobrang i- out din, kasi sabi nga sobrang nade-desensitize na siya.

“Sobrang nawawala na yung pagka-private nung moment.

“Sabi niya, 'Baka mamaya parang yun at yun na lang ang itanong sa atin na yun na nga ang nangyayari.'”

Siniguro naman sa amin ni Jessy na hindi siya naiinis o napipikon sa tuwing tatanungin sa kanya kung nag-propose na o kung kailan magpu-propose sa kanya ang boyfriend.

Paglinaw niya, “Hindi, hindi ako napipikon, kinikilig pa rin ako.

“Palagi akong kinikilig pag natatanong ako about that.

“Kaya nga yun nga, as of now, di pa naman sobrang pulido ng lahat.

"Di pa naman kami nakakapag-decide, sa kanya na lang yun.

“Actually, timing na lang niya yan.

“Ang lalake naman ang nagpu-propose.”

Sa interview kay Luis ay nabanggit na magaganap ang proposal sa sandaling hindi pinaka-inaasahan ng tao, lalo na ni Jessy.

Pagsang-ayon niya, “Ganyan talaga siya, lagi niyang line, 'When you least expect it.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wag kayong mag-alala, kapag nangyari naman, di kami magtatago. Sasabihin namin.”

RING

Tinanong din namin si Jessy tungkol sa singsing na ipinost niya sa kanyang Instagram may ilang linggo na ang nakakaraan.

Inakala ng iba na engagement ring na nila iyon ni Luis.

Paglinaw niya, “Hindi, right hand yun.

“Binili ko sa jeweller ko kasi ngayon medyo nagma-mature na, kailangan na may mga investments.

“Investment ko yun, yung ring.

“Marami rin akong nabili sa kanya.

“Don't worry, di yun engagement ring.”

THANKFUL TO LUIS'S FAMILY

Labis namang nagpapasalamat ang aktres sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Luis, lalo na sa mga magulang ng boyfriend niyang sina Congresswoman Vilma Santos at Edu Manzano na boto sila kay Jessy para sa anak at gusto na nilang magkaapo kay Luis.

“Si Momskie napakabait na tao, sobrang bait, warm siya sa lahat, sa akin, especially pag nagkikita kami.

“I'm very thankful na wala siyang ibang nasasabi kundi good words about us.

“Ano talaga sila, very welcoming, buong pamilya.

“Pag nandun ako kasama ko sila, kahit si Tito Edu nung nagsama kami sa Probinsyano, ano siya, warm,” kuwento niya.

EXCITED ABOUT MMFF FLICK

Bida sa Jessy pelikulang The Girl In The Orange Dress kapareha si Jericho Rosales, at isa ito sa official entries sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Excited si Jessy dahil bukod sa ito ang kauna-unahang MMFF movie niya, ito rin pala ang kauna-unahang pagkakataong magbibida siya sa isang romantic/comedy movie.

Aniya, “Okay naman, masaya, kasi first time ko ring makatrabaho si Echo 'tapos first time kong makatrabaho ang Quantum.

“Sobrang ibang experience, sobrang bait nila, sobrang alaga.

“Excited ako sobra, sobrang first time saka first time kong mag-romcom.

“Nakakakaba rin kasi siyempre MMFF yan, tapos first time kong mag-rom saka mag-lead.

“Mixed emotions pero more on excited ako saka maganda talaga yung story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puring-puri din ng aktres si Echo kung saan binahagi niya rin sa amin ang magiging takbo ng istorya.

“Sobrang bait na leading man at very generous. Hindi ka maghe-hesitate na magtanong, humingi ng tulong, ganun siya.

“Artista dito si Echo and ako isang non-artista.

“Ang hirap nga, e. Paano ba umarte ng hindi artista na magkakagusto sa isang artista, e artista din ako, di ba?”

Dahil ang mga pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin ang laging namamayagpag tuwing MMFF, aminado naman si Jessy na wala silang planong makipagkumpetensiya. Mas importante raw sa kanila na magbigay ng saya sa mga manonood.

Sabi niya, “Given na yun.

“Sa amin kasi, okay din yung sa MMFF na iba-iba, like kila Anne [Curtis], yung Aurora, horror siya.

“Yung kila Vice, kila Coco, comedy na may action.

“Para sa amin, okay yung iba-iba ang naibibigay namin sa mga tao, kami naman yung romantic side, yung romcom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN