Daniel Padilla never doubted Kathryn Bernardo's talent from the very start

IMAGE @starcinema on Instagram

Daniel Padilla says he always knew of Kathryn Bernardo's talent from the very start: "Simula pa lang, malaki na ang tiwala ko, malaki na ang bilib ko kay Kathryn dahil alam ko sa puso ko at nakikita ko na iba umarte ang taong ito. Kaya nagtataka ako bakit di nila nakikita, and now I think they saw it."


Para kay Daniel Padilla, sa simula pa lang ng pagtatambal nila ng kasintahang si Kathryn Bernardo ay buo na ang paniniwala niya sa husay nito.

Dahil nga dito ay ikinatutuwa niya na sa pelikulang The Hows of Us ay nakita ng mga manonood ang noon pa niyang nakitang galing ni Kathryn.

Naging emosyunal si Kathryn sa kanyang mensahe sa victory party ng The Hows of Us noong September 12 kunsaan inamin niya na may mabibigat siyang pinagdaanan kamakailan na naging dahilan ng pagkapagod, pag-iisip na mag-quit na sa showbiz at pagdadalawang-isip kung tatanggapin pa ba niya ang pelikula.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa victory party ng The Hows of Us noong nakaraang September 12 na ginanap sa 9501 restaurant ng ELJ building ng ABS-CBN.

Pag-amin niya, “Alam mo, sa simula pa lang, first movie pa lang namin, di naman nagbago ang suporta ko sa kanya hanggang ngayon.

“Simula pa lang, malaki na ang tiwala ko, malaki na ang bilib ko kay Kathryn dahil alam ko sa puso ko at nakikita ko na iba umarte ang taong ito.

“Kaya nagtataka ako bakit di nila nakikita, and now I think they saw it.

“Good job, Kathryn and Direk Cathy! Nakapahusay ninyo.

“Napakadami ninyong tao na tinamaan, nasaktan at umiyak.

“Pero siyempre sa lahat naman ng pag-iyak, and ending naman niyan lahat naman tayo ay ngumiti.”

DIRECTOR'S MESSAGE

Naging emosyunal din si Direk Cathy Garcia-Molina nang hingan ito ng mensahe.

Hindi nakadalo ang box-office director sa victory party pero nakausap namin ito sa pamamagitan ng video call.

Pahayag ni Direk Cathy, “Lahat naman tayo magiging emotional kasi sabi ko sa inyo, di mo malalaman kung ano ang mararamdaman mo.

“Talagang overwhelming yung feeling dahil sa success na natatanggap.ng pelikula, magiging emotional ka talaga.

“Imagine, yung mga taong simuporta at nagmahal dun sa ginawa mong proyekto, malaking-malaking bagay dahil tao ka lang naman, pero itong bagay touching other people's lives and then this one, my God, thank you everyone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL TO MOVIE VIEWERS

Tulad ni Kathryn, sobra-sobra rin ang pasasalamat ni Daniel sa mga nanood at sumuporta sa The Hows of Us na kulang-kulang 600 million pesos na ang kinita sa takilya.

“Almost 2 million Filipinos watched, that's what important for me.

“Yun ang importante—marami ang nanood, maraming bumangon na Filipino at nanood sa sinehan.

“Thank you sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat sa effort na binigay ninyo,” pagpapasalamat ni Daniel.

LESSONS FROM MOVIE

Natutuwa din si Daniel sa mga aral na binigay ng The Hows of Us kung saan balita na may ilang relasyon na naayos matapos mapanood ang pelikula.

Lahad niya, “Siguro nakita nila na maybe its normal na magkaganun, maybe ang paghihiwalay is not the best way to deal with it.

“May iba pang paraan para ayusin ang mga bagay-bagay. Nakakatuwa naman ang ganun, di ba?

“Good job, guys!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN