Bryan Revilla clarifies past rumors linking him to Carla Humphries, Yassi Pressman and Erich Gonzales

IMAGE Jojo Gabinete

Bryan Revilla explains why he probably ends up being linked to certain celebrities: "Hindi naman porke't nakakasama, ano na agad. Friendly lang tayo."


Single at wala rin daw dine-date ngayon si Bryan Revilla, ang isa sa mga bida sa movie trilogy na pinamagatang Tres na pinagbibidahan niya at ng kanyang mga kapatid na sina Jolo at Luigi Revilla.

Sina Bryan, Jolo at Luigi ay anak nina Senator Bong Revilla at ang alkalde ng Bacoor, Cavite na si Mayor Lani Mercado.

Sila rin ang mga haligi ng nagbabalik na film outfit na Imus Productions, na minana nila sa kanilang lolong si Ramon Revilla, Sr.

Sa solo presscon ni Bryan na ginanap sa Annabel’s Restaurant noong September 11, pinanindigan niya na talagang wala siyang girlfriend ngayon sa kabila ng bali-balita tungkol sa maraming babaeng na-link sa kanya.

Paglinaw niya, “No, I’m not seeing anyone right now.

“The only person siguro that I’m seeing everyday is myself, sa salamin. Pero iba, no one.”

Mukhang siya ang tipong kapag nagka-girlfriend ay yun na ang gusto niyang makatuluyan.

Mabilis niyang sagot, “Sana.

“Who isn’t looking a happy life naman?”

Gusto na rin ba niyang magpakasal kung sakali?

Aniya, “Si God na ang makakapagsabi niyan.

“If the right time, I guess, why not?”

SHOWBIZ GIRLFRIENDS?

Kahit anong pilit ng entertainment press, hindi talaga napagkuwento si Bryan sa diumano’y intense kissing scene nila ng leading lady na si Carla Humpries.

Sila ang magkasama sa episode na “Virgo” na dinirek ni Richard Somes.

“Panooorin niyo na lang,” natawang sagot niya.

Paano napili si Carla bilang leading lady niya?

“Well, choice rin ng production yun.

“And I’ve seen Carla rin naman.

“She’s a very good actress, that’s why.”

Napa-wow sabay ngiti at sabi ng “We’re good friends” nang tanungin si Bryan tungkol sa chika na naging sila raw ni Carla dati.

Pero parang hindi talaga sila na-isyu na naging sila nga.

“E kasi, wala naman talagang ibabalita,” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na niya katagal kakilala si Carla?

Saad niya, “Well, we’ve worked in a film and magkapit-bahay rin kami.

“I’ve known her ever since, bata pa ko, 16, 17.”

Ex-girlfriend ba niya si Carla?

“Wala akong sinasabing ex ha?” may paiwas pa rin niyang sagot na natatawa.

May balita ring naging sila raw ni Yassi Pressman.

Muling paglinaw ni Bryan, “We’re friends, we’re good friends.”

“We hang-out.”

Natawa ito nang tanungin namin kung ilan ba ang naging girlfriend niyang artista.

Biro niya, “Kung sino lang po ang alam niyo.

“I refused to answer.

Si Erich Gonzales ay na-link din sa kanya.

Paliwanag ni Bryan, “Yung nangyari naman kasi dun, I support her film.

“Yung director, si Direk Richard Somes, yung ibang mga kasama run, mga kasama ko sa pelikula.

“It’s more like supporting your friends.”

Napaka-friendly niya pala?

“Naman!” natawang sagot niya.

“Hindi naman porke’t nakakasama, ano na agad.

“Friendly lang tayo.”

SECRETIVE WITH LOVE MATTERS

Parang malihim si Bryan pagdating sa lovelife.

“My lovelife? Kasi, I really hold it close to my heart. I’m very protective with my loved ones,” rason niya.

Sa ngayon daw, wala raw talaga siyang girlfriend at single siya.

Pero dati, marami na rin siyang naging girlfriends.

Bakit hindi pa siya nag-aasawa?

“Yan din ang tanong ko, bakit hindi pa ko nag-aasawa,” ulit niya habang nakangisi.

“I was never engaged and there are really things that wasn’t meant to be.

“Kung para sa ‘yo naman, para sa ‘yo. Kung hindi para sa ‘yo, hindi para sa ‘yo.”

LADIES' MAN

Sa kanilang tatlong magkakapatid—siya, si Jolo at Luigi—sino ang masasabing pinaka-chick boy o habulin ng babae?

“Friendly lang tayo.

“Kapag sinabi mo kasing chick boy, puwede sa chick, puwede sa boys yan,” natawang biro niya.

Sino ang habulin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro yung may asawa, tanggal na yan sa usapan.

“Wala na yan, tali na yan.

“Yung habulin talaga, siguro si Jolo yan.”

Kapag in-love sila ni Jolo, ano ang nakikita niyang kaibahan nilang magkapatid?

“Magkaiba naman kasi ang love languages namin, siyempre, pati ang ugali.

“Si Jolo, I don’t know how he is as a lover but I know how he is a person, how he actually loves us, kaming pamilya.

“Si Jolo, very ano yan, very mapagbigay, very generous,” pagpuri niya.

Mas seryoso, involved?

“I think kasi, kapag matters of the heart, hindi naman puwedeng hindi seeryosohin.

“Of course, when you get into a relationship, you have to be serious.”

MISSING JODI

Ang pinaka-matagal na relasyon daw ni Bryan ay apat na taon.

Pero nasa Amerika na raw ngayon ang ex-girlfriend niyang ito.

Parang mas matagal daw makipag-relasyon si Jolo kesa sa kanya.

Walong taon sina Jolo at Jodi Sta. Maria na sa tagal ng relasyon nila, para na rin parte ng pamilya nila ang aktres.

Naging malapit din daw siya kay Jodi.

Pagkumpirma niya, “Oo naman, Jodi is like my sister.

“Sayang na hindi sila...”

May pag-asa pa rin kaya na magkabalikan sila ng kuya niya?

“I hope so,” saad niya.

“They’re good people and they look good together.

“But at the end of the day, opinion ni Jolo yan.

“Whatever my opinion is, it doesn’t really matter.

“Hindi naman po ako ang nakikipag-relasyon sa tao.

“Kung sino ang mahal ni Jolo, dun kami.”

WEDDING PLANS

Sino sa palagay niya ang mauunang magpakasal sa kanila ni Jolo?

“Hindi ko alam,” saad niya.

“Ako, I wouldn’t mind.

“Naunahan na rin ako ni Inah [Revilla, his younger sister].

“At saka di ba, kapag nilaktawan ka, nagbibigay yata sa ‘yo ng pera.”

May nagbigay na ba sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pa nga, e.

“Maniningil na nga ako,” biro niya.

Bilang isang Christian, mas gusto raw niya na kasal muna talaga bago ang anak.

“I would consider marriage first.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN