Did Janine Gutierrez deactivate her Twitter account because of bashers?

IMAGE Bernie Franco

Janine Gutierrez on why she deactivated her Twitter account: "Pero yung sa Twitter pahinga lang po muna. Kasi parang natatakot ako na baka maniwala na ako dun sa mga sinasabi ng ibang tao."


Hindi naman tuluyang dine-activate ni Janine Gutierrez ang kanyang Twitter account.

Alam naman ng marami at ni Janine mismo na simula noong magkatrabaho sila ni Alden sa teleseryeng Victor Magtanggol ng GMA-7 ay umani ng pamba-bash si Janine mula sa social media trolls at sa mga diumano’y fans ng AlDub na tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

Karamihan sa mga ito ay nagselos dahil nga hindi si Maine ang kapareha ni Alden sa Victor Magtanggol kundi si Janine.

Kaya may mga nag-isip na hindi na kinaya ni Janine ang pamba-bash sa kanya kaya nag-deactivate na lamang ng kanyang Twitter account ang magandang Kapuso actress.

Ayon kay Janine, “pinagpahinga” lamang niya ang kayang Twitter account.

Paliwanag niya, “Yung Twitter kasi parang masyado na akong nagiging dependent sa kanya.

“Alam mo yung paggising ko yun yung una kong tinitingnan.

“Kasi nag-enjoy din po talaga ako na i-promote yung Victor Magtanggol dahil excited din talaga ako sa mga kuwento, na maipalabas yung mga eksena, yung mga fight scenes.

“Pero yung sa Twitter pahinga lang po muna.

“Kasi parang natatakot ako na baka maniwala na ako dun sa mga sinasabi ng ibang tao.

“Kaya ibabalik ko na lang kapag…”

Kapag wala nang namba-bash sa kanya?

Tumawa muna si Janine bago sinabing, “Inaayos ko din naman po, gusto ko rin talaga mag-ayos ng social media.”

Ayon kay Janine, may inihahanda siyang website kaya isasabay na niya sa pagbubukas ng kanyang bagong website ang pagbabalik niya ng kanyang Twitter account.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine at ng iba pang members ng media sa storycon ng pelikulang Elise ng Regal Entertainment Inc. nitong nakaraang Martes, Setyembre 11, sa Valencia Events Place, Quezon City.

TANDEM WITH ENCHONG

Sa Elise ay kasama ni Janine bilang leading man si Enchong Dee.

Bago ang Elise ay nagkasama na sina Janine at Enchong sa pelikulang Lila noong 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya paglilinaw ng dalawa, bago pa nakilala ni Janine si Rayver Cruz ay may friendship na raw sa pagitan nilang dalawa.

Biro nga ni Enchong, “Bago pa dumating si Rayver, there was Enchong!”

Sinang-ayunan naman ito ni Janine.

“Oo, totoo, totoo!” bulalas niya.

Biro pa nila, hindi raw si Rayver ang naging dahilan para magkakilala at maging close sina Janine at Enchong.

At muli pang pagbibiro ni Enchong, “Ako pa yata ang ano e, ako pa yata ang naghimas ng…”

Pero paglinaw naman kay Janine, hindi pa raw sila magkarelasyon ni Rayver.

Unang pelikula ni Janine ang Elise sa Regal kaya excited ang Kapuso actress dahil napapanood daw niya ang mga pelikula dati ng ina niyang si Lotlot de Leon sa ilalim ng produksyon ni Lily Monteverde.

THRILLED TO MEET MOTHER LILY

Lahad niya, “Favorite ko yun nung bata pa ako, so I’m happy kasi nung first time ko ma-meet si Mother [Lily] after a long time.

“Dati ko pa naman siya na-meet, pero nung nag-meet kami for this project tuwang-tuwa akong makinig sa mga kuwento niya ng mga shooting nila dati ni Mama and Papa, yung mga Love Boat, ganyan-ganyan.

“Kinuwento niya na muntik ng lumubog yung barko, ganyan-ganyan.

“So happy ako kasi alam ko na pag Regal, talagang legendary sa paggawa ng pelikula and finally makakagawa na ako sa Regal.”

Tulad ni Lotlot ay Regal baby rin ang ama ni Janine na si Ramon Christopher.

Sikat na sikat noon ang loveteam nina Lotlot at Monching at lahat ng mga pelikula nilang dalawa ay kumita sa takilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN