Bea Binene receives mean comments for being linked to Alden Richards

IMAGE Rommel Gonzales

Bea Binene on dealing with bashers: "Kapag sumagot ako ngayon, kapag ganyan yung utak nila, sarado na utak nila. So, kapag sasagot ako sa kanila, ang sasabihin lang nila pumapatol ako sa isyu. Kapag hindi ako sumagot, ang sasabihin nila, pinapahaba ko yung isyu para mapag-usapan ako."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng bashers si Bea Binene dahil sa pagkakaugnay ng pangalan niya kay Alden Richards.

May mga nagbibigay kasi ng ibang kahulugan sa friendship ng dalawa; may iba pa ngang nag-iisip na si Alden ang secret boyfriend ni Bea.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso young actress sa taping ng daytime drama series na Kapag Nahati ang Puso sa Floridablanca Doctors' Hospital Inc., sa Pampanga, noong September 12.

Dito ay binasa ni Bea sa aming harapan ang ilang komento ng bashers tungkol sa kanya.

“Eto sabi niya, ‘Grabe halang din ang bituka itong babaeng ito! Anong klase kaya ang nanay nito? Nagsisimba kaya ito? Huwag ka nang magsimba baka masunog ka sa kasinungalingan mo!

"'Itong taong ‘to napakasinungaling din, e. Hindi daw dyowa si Alden. Pakamatay ka, uy! Para naman mabawas-bawasan ang mga sinungaling dito sa mundong ito!’

“Eto pa… ‘Hoy, Binene ikaw ha, marami ka nang napapaniwala na hindi kayo ni Alden! Tanong lang: hindi ka ba naniniwala sa karma? Huy, may isang tao dun sa Itaas nagmamasid, hindi ka ba takot sa kanya?

"'Hanggang ngayon ba bulaklak pa rin ang pino-post mo? Napakaduwag mo naman girl! Hindi ka proud kay Alden.

“‘Mayaman yun, di ba? Buhay-reyna ka dun! Bayad lahat ng mga gastusin ng pamilya mo. Ha! Ha! Ha! Kunsabagay tagu-tago muna para hindi mabuking.

“‘Si Alden ba ang nagbabayad sa tuition mo at sa kapatid mo?’”

Hindi ba siya nasasaktan sa mga ganitong pamba-bash sa kanya?

“Blocked lang sila. Block lang, block lang,” sagot ni Bea.

Sumagot na raw siya noon, pero na-realize niyang hindi na dapat patulan pa ang mga basher na ito.

Paliwanag ng 20-year-old actress, “Kasi sabi ko nga po, kapag sumagot ako ngayon, kapag ganyan yung utak nila, sarado na utak nila.

“So, kapag sasagot ako sa kanila, ang sasabihin lang nila pumapatol ako sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag hindi ako sumagot, ang sasabihin nila, pinapahaba ko yung isyu para mapag-usapan ako.”

Kaya ngayon ay hindi na siya sumasagot, bina-block na lang niya ang bashers.

Pero kapag binlock niya ay nare-realize naman ni Bea na pareho lang ang pangalan ng mga ito, na nagpapalit lang ng pangalan ang bashers.

“‘Tapos wala naman silang profile picture. Walang follow, walang post.”

FRIENDSHIP WITH ALDEN

Hindi naman daw umabot si Bea sa punto na gusto na niyang i-deactivate ang kanyang social media accounts.

Nanghihinayang lang daw siya sa oras ng bashers.

“Kasi ang dami nilang time. Wala silang ginagawa sa buhay.”

Na sa halip ayusin ng mga ito ang mga buhay nila at magtrabaho ay inuubos ang oras ng mga ito sa pamba-bash ng celebrities.

“Suportahan nila yung idol nila nang walang halong negativity sa buhay, di ba?” pakli pa niya.

Never pa raw umiyak si Bea dahil sa sinumang basher. Napipikon lang daw siya minsan kapag idinadamay ang pamilya niya.

Aniya, “Kasi, unang-una, alam ko naman kung ano ang totoo.”

Matalik na magkaibigan lamang daw talaga sila ni Alden.

Sa pelikula pa lamang na Tween Academy: Class of 2012 ay magkaibigan na sila, si Jake Vargas pa ang ka-love team noon ni Bea.

Isang grupo raw silang magkakaibigan nina Alden, Kristoffer Martin, at Rodjun Cruz, among others, na ang kalimitang bonding ay kumain sa labas at umakyat sa bundok.

“‘Tapos binibigyan nila ng malisya kasi ako lang yata yung babae,” sabi ni Bea.

Sana raw ay hindi na lagyan ng malisya ang friendship nila.

Pinayuhan daw siya ni Alden na huwag na lang pansinin ang mga pamba-bash sa kanya.

Nadagdagan na rin daw ang grupo nila na umaakyat sa bundok na karamihan ay barkadahan nila sa dating musical-variety show ng GMA-7, ang Party Pilipinas.

Kabilang dito sina Winwyn Marquez, Dianne Medina, at Aicelle Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero medyo matagal na raw silang hindi nakakapag-mountain climb dahil sa busy schedules nilang lahat.


Stories We Are Tracking

Bea Binene denies alleged secret romance with Alden Richards
Bea Binene denies alleged secret romance with Alden Richards
Bea Binene clarifies her mystery guy is not Alden Richards
Bea Binene clarifies her mystery guy is not Alden Richards

BEA’S NON-SHOWBIZ BOYFRIEND

Panay naman tawa at “okay naman po” at “basta” ang sagot ni Bea nang tanungin ng PEP.ph kung kumusta ang kanyang love life.

May balitang isang non-showbiz guy ang karelasyon ngayon ng Kapuso young actress.

“Ayokong mag-reveal,” pag-iwas ni Bea nang tanungin kung kailan niya ire-reveal ang pagkatao ng kanyang karelasyon ngayon.

“Masaya po ako. Basta masaya po ako,” sagot niya sa tanong kung happy ang kanyang love life.

Tuwing ika-siyam ng buwan ay nakakatanggap ng bulaklak si Bea, base na rin sa Instagram account niya.

View this post on Instagram

I just read that tulips mean perfect love... ????

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

Ilang buwan na siyang nakakatanggap ng bulaklak?

“Basta po!” at tumatawa pa ring sambit ng dalaga.

Sinabihan din daw siya ng non-showbiz guy na huwag pansinin ang bashers at i-block na lamang ang mga ito.

HARDEST SCENES

Pinakamahirap daw na ipinagawa kay Bea sa Kapag Nahati Ang Puso ng GMA-7 ay ang mga iyakang eksena.

Iyakan na hindi lamang tumutulo ang luha niya kundi humahagulhol talaga siya, kaya namamaga raw ang kanyang mga mata paggising niya the following day.

Hindi pa raw naranasan ni Bea sa tunay na buhay na nahati ang puso niya sa dalawang lalaki, at hindi pa rin daw nangyari na dalawang lalaki ang nag-agawan sa kanya.

Hindi rin daw siya naniniwala na maaaring magmahal ang isang tao sa dalawa.

Aniya, “Hindi ka naman maghahanap ng pangalawa kung kuntento ka sa isa.

“So, bakit mahahati ang puso kung ang puso mo nasa isang tao lang, e, di sa kanya lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN