Sharon Cuneta reveals why KC Concepcion, French boyfriend broke up before

IMAGE @reallysharoncuneta and @itskcconcepcion on Instagram

Megastar Sharon Cuneta is praying that French filmmaker-businessman Pierre Emmanuel Plassart would be the man that her daughter KC Concepcion is going to marry. 


Ibinahagi ni Sharon Cuneta kung ano ang naging dahilan ng breakup noon ng anak na si KC Concepcion at ng French boyfriend nitong si Pierre Emmanuel Plassart.

"They were together na a few years ago, mga five years ago," banggit ng Megastar sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay noong nakaraang linggo.

Pero nagkahiwalay raw ang dalawa dahil sa distansiya.

Ani Sharon, "Sobra kasing nagkalayo nung maghiwalay the first time. Umiyak talaga ako kasi super…"

Nitong Agosto ay kinumpirma ni KC via Instagram ang pagbabalikan nila ng French businessman at film producer.

Kasalukuyang nasa France si KC kasama si Pierre, base sa social media posts ng panganay na anak ni Sharon.

Ayon sa 52-year-old actress-singer, si Pierre mismo ang bumili ng plane ticket ni KC para magkasama sila sa France.

"It was Pierre’s birthday kasi noong August 29, so he could not spend time away from her.

"They were together in Los Angeles, his family was also there.

"So, umuwi na si Kace. 'Tapos nagulat na lang siya kasi magbi-birthday si Pierre.

"Yun na nga, biglang may ticket na siya to Paris, kasi ayaw siya ni Pierre na malayo, for a while, for a few days."

Binanggit din ng Megastar kung ano ang nagustuhan niya kay Pierre.

"Such a gentleman, such a gentle soul, at mahal na mahal at respetong-respeto niya ang anak ko.

"Sobrang pag-alaga niya kay KC," papuri niya sa nobyo ng anak.

LOVE ADVICE FOR KC

Umaasa raw si Sharon na si Pierre na ang huling lalaki sa buhay ng panganay na anak.

"Dinadasal ko. I remember nung maliit pa si KC, ang dinadasal ko, 'Lord, lahat ng nakalaan na pain for her, sa akin Niyo na lang ibigay.'

"Kaya lang, hindi puwedeng ganun, di ba?

"So, marami ring pain na dinaanan ang anak ko on her own."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa current relationship ngayon ni KC, sabi ni Sharon, "I hope it lasts forever, na wala na siyang hahanapin pa.

"Sabi ko kasi sa kanya noon, 'You will never know someone’s real ugali hangga't hindi mo nagiging boyfriend.

"'Kasi pag di mo boyfriend, puro pasikat lang, e. Hindi mo nakikita ang ugali.

"'So, huwag kang se-settle. Don’t think about what people will say.

"'Hindi naman sila umiiyak pag umiiyak ka. Hindi nila alam.

"'Hindi sila napupuyat pag napupuyat ka. Hindi mo naman kasi sinasabi rin, di ba? Ilan lang yung karamay mo.'

"Sabi ko, 'Don’t stop until you know you are very much in love with someone, who loves you very much also.'"

Dagdag pa ni Sharon, masayang-masaya raw si KC sa kanyang love life.


Stories We Are Tracking

Sharon, Gabby, Kiko approve of KC's French boyfriend
Sharon, Gabby, Kiko approve of KC's French boyfriend
KC Concepcion gets approval from French boyfriend's family
KC Concepcion gets approval from French boyfriend's family


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN