Dawn Zulueta reprimands CharDawn fans bashing Sharon Cuneta

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Dawn Zulueta reprimands CharDawn fans who cropped out Sharon Cuneta from her photo with Three Words To Forever co-star Richard Gomez.


Nakarating kay Dawn Zulueta ang balitang dismayado ang ilang fans ni Sharon Cuneta sa pambabastos ng ilang masugid na tagasuporta ng tambalang Richard Gomez at Dawn o CharDawn.

Ito ay matapos i-crop out ang mukha ni Sharon sa litrato nila nina Richard Gomez at Kathryn Bernardo, na kasama ng Megastar na pagbibidahan ang pelikulang Three Words To Forever.

Ang ipinalit sa mukha ni Sharon ay mukha ni Dawn, na tulad ng Megastar ay perennial leading lady at ex-girlfriend din ni Richard.

Kalakip nito ang palitan ng comments ng tatlong CharDawn fans na nagsasabing hindi bagay si Sharon na makatambal ni Richard.

Inireklamo ng isang masugid na tagasuporta ni Sharon ang insidente at direktang nagsumbong kay Dawn sa pamamagitan ng Twitter.

Sabi ng Sharonian fan, “Hi miss po miss @DawnZpost look how rude your fans are... nakakaproud po ba sila?

"Or do you even know na may mga fans kayo na ganyan kabastos?

"Kasi po kaming mga sharonians NEVER ka namin binastos ng ganyan. Cos we know how to show RESPECT."

Sa parte ni Dawn, sinabihan niya ang CharDawn fans na tigilan ang pambabatikos sa balik-tambalan nina Sharon at Richard.

"Calling the attention of some members: Pls refrain from doing this. If you cant say anything nice, dont say anything at all. Cc: @itsDawnZulueta @CD_Penguins"

Pagkatapos ay nag-isyu rin ng opisyal na pahayag ang fans ni Dawn at humingi ng dispensa sa nangyaring insidente.

Siniguro rin nilang kakausapin ang mga sangkot sa isyu.

Sabi sa tweet ng fan group account na @itsDawnZulueta:

"We sincerley apologise for their actions.

"We do not condone such behavior from our members. And we will reprimand members involved.

"And we will do our best to avoid similar acts in the future."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN