Miles Ocampo still affected by comparisons with friend Kathryn Bernardo

IMAGE @bernardokath and @milesocampo on Instagram

Miles Ocampo pleads to netizen to stop pitting her against friend and batchmate Kathryn Bernardo. "After so many years, I'm still affected reading tweets like your tweet. I just really hope and pray na this will stop na po." 


Nag-react si Miles Ocampo hinggil sa tweet ng isang fan ni Kathryn Bernardo.

Magka-batch at magkaibigan sina Kathryn at Miles sa showbiz, pero dumaan na rin sa pang-iintriga ang kanilang pagkakaibigan.

Ikinukumpara rin ng ilan ang sinapit ng kani-kanilang showbiz career.

Nagsimula ito sa tweet ng Kathryn fan noong September 14, na burado na ngayon.

Gayunpaman, nakaabot ang tweet kay Miles at nag-react dito ang ABS-CBN actress.

Inamin ni Miles na naapektuhan siya sa tweet ng netizen.

"Hi! I really don’t know how to message you privately & my first time to do this.

"I was reading some tweets regarding an issue because I was curious and concerned about Kath.

"I was affected with your tweet kasi may mga bagay na hindi naman po iisa ang dahilan."

Dagdag pa ni Miles, "After so many years, I’m still affected reading tweets like your tweet. I just really hope and pray na this will stop na po.

"I myself, don’t know the reason why kaya sana wag na kayo po mag isip ng kung ano.

"I’m sorry if naapektuhan po ako with your tweet. Di na po mauulit."

Nag-reply ang fan ni Kathryn at humingi ng sorry kay Miles.

Ayon sa fan, "Hi Miles. I apologize that my tweet made you feel bad. Hindi ko intensyon yon.

"It was just that after all that I read yesterday that involved another friend of hers, your friendship crossed my mind and tweeted abt it.

"Magkaibang tao kayo and maybe unlike her, hindi kas magsasalita."

Sabi pa ng netizen, buburahin na lang niya ang tweet. 

Muling humingi ng paumanhin ang netizen.

Nagpasalamat si Miles sa netizen at sinabing pareho nilang mahal si Kathryn.


Stories We Are Tracking

Miles Ocampo denies being insecure with Kathryn Bernardo
Miles Ocampo denies being insecure with Kathryn Bernardo
<p>Miles Ocampo not envious of friends Julia and Kathryn</p&g

Miles Ocampo not envious of friends Julia and Kathryn



ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN