Andi Eigenmann passionately roots for rumored boyfriend in surfing competition

IMAGE @chepoxz on Instagram

Actress Andi Eigenmann and her rumored boyfriend, surfer Philmar Alipayo, express their love for each other on social media. 


Proud girlfriend si Andi Eigenmann sa rumored boyfriend niyang si Philmar Alipayo, na ngayon ay nasa Tahara, Japan bilang kasapi ng Philippine team sa isang international surfing competition doon.

Sa kanyang Facebook account nitong weekend, nag-post ang 28-anyos na aktres kung gaano siya ka-proud kay Philmar dahil sa magandang performance nito sa 2018 UR ISA (International Surfing Association) World Surf Games, kung saan 42 bansa ang kalahok.

Ipinahayag din ni Andi ang kanyang pagmamahal sa surfer na tinawag pa niyang "lodi." 

Mensahe ng aktres, "FIRST TIME KO MAGING GANITO KA PASSIONATE HABANG NANONOOD NG KAHIT ANONG LARO. PATI AKO NAGDIET PARA DITO.

"NAKAKAKABA PALA. NAPATIGIL HALOS ANG SHOOTING NAMIN KANINA DAHIL NAKAPAUSE LANG YUNG HEARTBEAT KO SA BUONG 20MINS NG HEAT!!

"I LOVE YOU LODI NG BUHAY KO Philmar Alipayo!!"

Ni-repost ni Andi ang screenshot ng kanyang Facebook post sa Instagram Story niya.

Dagdag na caption ng aktres, “I didn’t expect watching @chepoxz would be this nerve-wracking. Muntik nako sumuka, at pang best actress yung iyak ko!”

Sumagot naman si Philmar sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story.

Ni-repost ng surfer ang Instagram Story ni Andi at nilagyan ng caption na nasa Surigaonon: “Mahal ko sab kaw karajaw Lodi ng buhay ko. Tag mingaw d na ako makahoyat magkakita ta pohon.”

(Translation: Mahal din kita, ikaw lang ang lodi ng buhay ko. Miss na miss na kita, hindi na ako makakapaghintay na magkita tayo bukas.)

Samantala, sa kanyang Instagram account, masayang ibinalita ni Philmar na pasok siya sa round 2 ng surfing competition.


Stories We Are Tracking

Andi Eigenmann posts good luck message to surfer boyfriend
Andi Eigenmann posts good luck message to surfer boyfriend
Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos
Andi Eigenmann, rumored surfer boyfriend post HHWW photos


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN