Richard Yap "seriously thinking" about running for congressman in Cebu

IMAGE Noel Orsal

If Richard Yap decides to run for congress in Cebu City's North District in 2019, he will be facing current representative Raul del Mar. 


Pinag-iisapan daw nang mabuti ng aktor at negosyanteng si Richard Yap kung papasukin niya ang mundo ng pulitika.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtakbo bilang kongresista sa North District ng Cebu kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Sa presscon ng 51-year-old Kapamilya actor sa Cebu ngayong Lunes, September 17, sinabi niyang matagal na siyang inaalok na kumandidato sa kanilang lugar ngunit tinanggihan niya ito.

Pahayag niya sa panayam ng Cebu-based media, "I'm thinking about it.

"Well… there are people asking me and I'm seriously thinking about it because it's…

"There are people who have asked me to run for the past five or six years already, and I have declined."

Inaalok ng Barug Team Rama ni dating Cebu City Mayor Michael Rama si Richard na magiging kandidato nila sa Cebu City North District sa 2019 mid-term elections.

Kung sakaling matuloy siya sa pagtakbo, makakalaban niya ang Bando Osmeña-Pundok Kauswagan (BOPK) incumbent north district representative na si Raul del Mar.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN