JM de Guzman settles tampuhan with Barbie Imperial

IMAGE @1migueldeguzman Instagram

Today, September 17, JM de Guzman posts a video of him and Barbie Imperial settling their differences after several days of tampuhan. He tells his Araw Gabi leading lady, "Bati na tayo."


Nagkaayos na sina JM de Guzman, 30, at Barbie Imperial, 20, matapos silang magkatampuhan ng ilang araw.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Lunes, September 17, ibinahagi ni JM ang maiksing video kung saan makikitang nagkukulitan sila ni Barbie.

Bungad na pahayag ni JM, “Peace and all good.”

Sabay tanong ni JM kay Barbie, “Bati na tayo?”

Balik-tanong ni Barbie, “Bati na tayo?”

Paniniguro naman ni JM, “Bati na.”

View this post on Instagram

Ayan bati na sila!!! @1migueldeguzman at @msbarbieimperial #juanbie #arawgabi

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12) on

Nasundan pa ito ng hiwalay na Instagram Story ni JM kunsaan isinulat niya ang mga katagang: "Start over again..  this time we'll do it right."

Sa ginanap na fan conference nina JM at Barbie noong September 15, inamin ni JM na may “konting tampuhan” sila ni Barbie.

Dito ay sinabi rin ni JM na ayaw siyang kausapin ni Barbie, ngunit hindi na binanggit ng binata kung ano ang pinag-ugatan ng hindi nila pagkakaunawaan.

AWAY-BATI DYNAMICS

Base sa Twitter posts ng fans ng dalawa, makikitang may mga pagkakataong iniiwasan at hindi kinakausap ni Barbie si JM.

Hindi rin nakalampas sa fans ang tila away-bati na pakikitungo nina JM at Barbie sa isa't isa.

Sa kabila nito ay namataang makailang-beses na sinuyo ni JM si Barbie noong araw na iyon.

FANS' REACTION

Narito ang ilang comments mula sa fans bago tuluyang nagkabati sina JM at Barbie kanina:


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN