Luis Manzano denies being a jealous boyfriend to Jessy Mendiola

IMAGE Jessy Mendiola Instagram

Luis Manzano says he's simply injecting his sense of humor whenever he replies to netizens commenting on girlfriend Jessy Mendiola's photos. Some have jumped to a conclusion that he's a jealous boyfriend, ready to deflect males expressing admiration for the actress.


Itinanggi ni Luis Manzano na seloso siyang nobyo sa kasintahang si Jessy Mendiola.

Kasunod ito ng iniwan niyang reply sa isang netizen na nag-comment sa isang Instagram post ni Jessy habang nagwu-workout.

Sinabi ng netizen na mahal nito si Jessy, at pabiro naman itong sinagot ni Luis ngunit sineryoso ng ibang tao.

Ani Luis, "Lokohan lang, hindi ko nga alam kung bakit sineseryoso ng ibang tao.

"Obviously hindi naman ako seryoso.

"Hindi ko alam kung bakit ang ibang tao, ginagawan ng serious context behind it."

Dagdag pa niya ukol sa girlfriend, "Proud? Oo naman.

"Kung loko naman talaga ako, kung nagseselos talaga ako, sana sinabihan ko ng di maganda or at least pina-delete ko sa kanya.

"Pero napansin niyo, lahat ng hirit ko patawa lang naman, kaya hindi ko maintindihan yung ibang mga tao na nagsasabi, 'Grabe, seloso siya,' ganun, ganyan."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa ASAP nitong Linggo, September 16.


Stories We Are Tracking

Luis blocks off male netizen admiring Jessy sexy photo
Luis blocks off male netizen admiring Jessy sexy photo

I WANT IT TO BE ORGANIC

Kamakailan ay nakiusap si Luis na kung maaari ay tigilan na ang pagtatanong kung kailan siya magpu-propose kay Jessy. 

"Desensitized" ang ginamit na salita ng Kapamilya TV host, at sinabing parang nagiging natural na bagay na lang ang tungkol sa proposal na dapat sana ay special moment para sa kanila ni Jessy.

Paliwanag ni Luis ukol dito, "Sinabi ko nga, gaya ng dati, I'm very thankful na marami ang excited sa love story namin.

"Pero at the same time, gusto ko kasi pag pinag-usapan namin, pag pinag-usapan ko, parang bago sa akin.

"I want it to be fresh, I want it to be organic."

Patuloy niya, "Gusto ko pag shinare ko, may twinkle sa mga mata ko.

"Siyempre pag parati mo kasing naririnig, nasasanay ka.

"You want to keep it to yourself at pag shinare mo makikita ng mga tao, 'Grabe yung ngiti niya habang kinukuwento niya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong mawala yun."

Maging sa entertainment press ay nakiusap din ang TV host, lalo't ito ang madalas na tinatanong sa kanila ni Jessy sa bawat pagkakataong nai-interview sila.

Ani Luis, "Sabi ko naman na naiintindihan ko naman, siyempre may mga taong curious talaga.

"Of course, part ng trabaho natin yun.

"Pero sabi ko, at least pag nag-usap tayo the next time, pag nangyari na, mas masarap yung kuwentuhan kasi mas involved ako, mas marami akong masi-share.

"Ayoko naman na bawat tanong niyo sa akin, 'Wala pa.' 'O, nangyari na ba?' 'Wala pa.' Pare-pareho lang. 

"Para next time, kung nangyari na yun at nagkuwentuhan tayo, pag nasa circular table tayo, ang sarap ng kuwentuhan natin.

"Every second ng pangyayari, makukuwento ko nang tama at may emosyon."

NEXT LUIS MANZANO

Sa programa namang I Can See Your Voice, kung saan host si Luis, marami itong natutulungang contestants na kung tawagin ay seentunados at seengers. Ngunit iwas na ang binata na pag-usapan ang tungkol dito.

Aniya, "Kahit na nangyayari na siya on TV, ayokong pag-usapan pa.

"Gusto ko, kung anuman ang tulong na naibigay ko dun, iwan na lang natin dun.

"Ayoko ng paulit-ulit kasi di naman yun ang point ng pagtulong."

Dugtong niya, "On and off-cam, sabi ko nga, sana isipin ng ibang mga tao kasi baka isipin ng iba ang pagtulong palaging pera.

"The fact lang na magpapagaan ka ng araw ng iba, makinig ka lang sa isang tao.

"May tutulungan ka lang isang tao, napakasimpleng bagay magbuhat ng bag, napakalaki na ng magagawa yun para sa isang tao."

Sa isang interview kay Robi Domingo ay nabanggit nitong kahit kailan ay hindi niya puwedeng mapantayan si Luis pagdating sa husay nito sa paghu-host.

Para naman kay Luis, walang puwedeng pumalit sa kanya dahil naniniwala siyang puwede pa siyang higitan ng mga baguhang hosts sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Gaya ng mga interviews ko dati, sabi ko, there will never be the next Luis Manzano. 

"Wala nang susunod diyan, pero lahat iyan mas gagaling pa.

"Kumbaga yung karera ko, karera ko. 

"Sila Robi and the other hosts, kayang-kaya nilang lagpasan ang mga nagawa ko na. "


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN