Angelica Panganiban has no problem being pursued by Zanjoe Marudo

IMAGE James Patrick Anarcon

Is Angelica Panganiban ready to entertain Zanjoe Marudo as her suitor? "Oo naman, kung gugustuhin niya... pero magpapahabol muna ako ng mga two weeks."


Nagkabiruan at parang nagkahamunan ng relasyon sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo nang matanong sila sa presscon ng Playhouse, ang bago nilang daytime teleserye sa ABS-CBN na nagsimula nitong Lunes, September 17.

Ito ay nang may magtanong kung kanino nila idi-dedicate ang kantang “I Love You More Today Than Yesterday," ang theme song ng kanilang teleserye.

Pinasikat ito ng Spiral Staircase noong 1969 at inawit nang live ni Nyoy Volante sa presscon ng Playhouse noong September 12.

Sinimulan ni Zanjoe at sinabing sa kapareha na lang niya idi-dedicate ang kanta.

Nagkatinginan muna sina Angelica at Zanjoe bago nagsalita muli ang aktor.

“Sa iyo na lang, sa iyo ko na lang idi-dedicate, ha?”

Pa-sweet namang sumagot si Angelica ng, “Sige.”

Dugtong pa ni Zanjoe sa naunang sinabi, “Tutal wala pa naman tayong special someone.”

“Oh, sige,” sabi naman ni Angelica.

“Totoo naman, every taping mas nila-love naman kita,” panay-panay na diga ni Zanjoe.

Kinikilig na bulalas ni Angelica, “Ay, sh*t!”

"O sige, e, di yun na rin," na ang ibig sabihin nito, kay Zanjoe na rin idi-dedicate ni Angelica ang kanta.

Tumawa si Zanjoe nang magsalita pa si Angelica, "Siyempre pag ni-love mo na ako... naku po, dyusko!

"Mas maaalagaan ka nang husto. Sinasabi ko na sa iyo.

"You will love me more talaga. I will make sure you always feel the love… more and more.” 

Nang makaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica matapos ang presscon proper sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, ganado pang nagkuwento ang versatile actress sa working relationship nila ni Zanjoe.

Aniya, “Sobrang kumportable ako sa kanya dahil din siguro halos ten years na kaming magkakilala simula Banana Split.”

Patuloy pa niyang deskripsiyon sa qualities ni Zanjoe, "Napaka-chill na tao, sobrang tahimik.

"Masaya, magaan siyang katrabaho. Hindi siya nali-late. Magaling naman siyang artista."

GETTING AFFECTED?

Bagamat akala ng lahat na totoo ang hamunan ng relasyon nina Angelica at Zanjoe, nilinaw nang mabuti ng aktres na biruan lang ang namagitan sa kanila sa presscon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun kami magharutang dalawa,” giit niya.

“So, ngayon sa set, bilang ang tagal na naming nagti-taping, siyempre pati yung mga tao inaasar na kami... ni Kuya Smoks [Smokey Manaloto], nila Ate Nads [Nadia Montenegro].

“Kaya siguro nung simulan na kaming asarin, parang nailang tuloy kaming magbiruan. 

“So lately, nababawasan yung mga harot-harot.”

Sa paniniwala ni Angelica, si Zanjoe ang naapektuhan ng mga asaran sa set.

“Feeling ko nailang na siya, e, talaga... tanungin niyo nga,” nangingiting sabi niya.

Siya ba ay nailang din?

“Pag inaasar na,” mabilis na sagot ni Angelica.

“Hindi kasi ako sanay na inaasar. Ako yung nambu-bully.

"Kaya kapag binabalikan ako nina Smokey, ganun, ‘tatahimik na nga ako,’ mga ganyan.”

May nagpaalala kay Angelica na ang deskripsiyon sa kanya ni Zanjoe ay isa siyang "‘perfect wife material."

Pabirong reaksiyon ng aktres dito, “Kinabahan nga ako, akala ko parang ikakasal na ako, papa-ready na ako talaga.”

Dahil matagal nang kilala ni Angelica si Zanjoe, kabisado na raw niya ang ugali nito.

“Hindi pa rin siguro ganun kabasang-basa, pero siyempre, alam ko na pag hindi niya gusto ang mga nangyayari. Ayaw niya ng lugar, hindi siya kumportable.

“Sa mga ganun siguro, kilang-kilala na namin ang isa ’t isa.”

Kung sakali man, bukas ba siyang i-entertain si Zanjoe?

“Kung sakali? Dyusko naman, grabe, ha? Ang choosy ko naman [kung hindi].

“Oo naman, kung gugustuhin niya. Kung talagang na-pretty-han siya sa akin, e, di wow!

“Pero magpapahabol muna ako ng mga... two weeks.”

Ano yung qualities na masasabi niyang boyfriend material si Zanjoe?

“Ang awkward, e. Kasi nakita ko siya sa lahat ng mga naging girlfriends niya. Kaibigan ko lahat yun, e.

“Kaya alam ko kung paano siya maging boyfriend. Kaya masasabi kong malambing siya, maasikaso.

"Talagang hindi ko naman nakakitaan na parang nag-cheat siya sa partner niya noon."

Pabirong nag-comment si Angelica ng “I’m not sure” nang matanong kung aaprubahan ba ng mga ex ni Zanjoe na kaibigan niya ang pagkakaroon nila ng relasyon kung sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong niya, “Mga kaibigan ko naman? Sino ba? Baka may mali akong masabi...

"Kay Mariel [Rodriguez na ngayo’y asawa na ni Robin Padilla] at kay Bea [Alonzo, na girlfriend ngayon ni Gerald Anderson]? 

"Oo, siguro naman, 'no!

“Si Mariel may anak na. Si Bea happy din naman din. Ang pretty din, ang ganda.”

MAKING THE FIRST MOVE

Dahil tila palaban si Angelica sa mga biruan at palipad-hangin kay Zanjoe, nasa personalidad niya ang puwedeng maging agresibo na magpakita ng motibo at iparamdam sa isang lalaki na gusto niya ito.

Pagsang-ayon ni Angelica, “Ako, hindi ko nakikitaan ng problema kapag babae yung unang nag-approach sa lalaki, kapag siya yung unang nagyaya. 

“Parang feeling ko kasi, dapat kung wala ka namang masamang intensiyon, gusto mo lang lumabas at makilala itong taong ito, bakit hindi mo gawin, di ba?”

Inamin ni Angelica na malapit na niyang buksan muli ang kanyang puso sa usapin ng pag-ibig o pakikipagrelasyon.

Sabi niya, “Ngayon kasi patapos na yung pelikula, so gumagaan na yung load ng trabaho ko, naiisip ko nang mag-dyowa.

“Noong kasi workaholic ako, e. Ngayon na parang konti na lang pag napapahinga na ako, naiisip kong okey, ready na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN