Does Louise delos Reyes regret transferring to ABS-CBN?

IMAGE Noel Orsal

Louise delos Reyes on being relegated to supporting roles after transferring to ABS-CBN: "In reality, I had my time, and I think, for me, that's enough."


Hindi raw pinagsisisihan ni Louise delos Reyes ang desisyon niyang lumipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Lumipat si Louise sa bakuran ng ABS-CBN noong 2017.

Unang proyekto niya bilang Kapamilya ay ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Napapanood siya ngayon sa afternoon teleseryeng Asintado.

Sa parehong tetelserye ay hindi siya ang bida.

Noong nasa GMA-7 pa si Louise, kung saan siya namalagi ng 13 taon, karamihan ng mga naging proyekto niya ay siya ang bida.

Kabilang sa mga pinagbidahan niyang teleserye ay ang Alakdana (2011), Mundo Mo’y Akin (2013), Kambal Sirena (2014), at Magkaibang Mundo (2016).

Masaya ba si Louise sa kanyang career ngayon bilang Kapamilya?

Tugon niya, "Yes. I couldn’t ask for more.

"Kasi, in reality, I had my time, and I think, for me, that’s enough.

"Kasi more than anything else, I just want kahit papa'no may respect sa iyo… that you somehow gained respect from other people."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa press conference ng upcoming movie na Para sa Broken Hearted na ginanap sa Le Reve Events Place, Quezon City, nitong Martes, September 18.

May pagsisisi ba si Louise sa paglipat sa ABS-CBN, considering nagbibida na siya noong nasa GMA-7 siya?

"Actually, I don’t want to put it in that perspective," pakli niya.

"Ako kasi, as a person also, hindi ako masyadong ma-regret na tao.

"Every decision talaga, pinag-iisipan ko.

"And siguro, meron mang cons yun, yung mga desisyon kong yun, pero yun yung bumuo kung ano ako ngayon."

Malaking factor din daw na nakilala niya ang kanyang current boyfriend na nagpapasaya sa kanya ngayon.

“Parang everything, now that I’m with my partner, I was thinking, ‘What if iba ang desisyon ko noon?’

"Siguro hindi ako magla-land sa taong ito o sa buhay na ito.

“So, parang dun ko rin iniisip kung tama nga ba ang naging desisyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And so far, everything went well. Everything is okay. Everything is better now.”


Stories We Are Tracking

Louise delos Reyes says she found
Louise delos Reyes says she found "the best boyfriend"
Louise delos Reyes opens up about non-showbiz boyfriend
Louise delos Reyes opens up about non-showbiz boyfriend

Kahit ba hindi na siya nagli-lead sa mga teleserye?

“Yes. Marami akong actually small and big realizations after that, yung transition na I’m not the lead anymore.

"I thought, after [lumipat], parang malulungkot ako o merong longing kahit papa'no.

"Hindi, e. Parang hindi niya ako dinala dun.

“Parang mas dinala niya ako sa contentment.

"And I’m contented kung ano yung nakuha ko at kung ano yung meron ako ngayon.

“Parang hindi siya basta-basta nakakapaniwala, pero I feel so genuinely happy, deep inside na, I think, yung less exposure ko in show business makes me happy.”

Bagamat wala siyang gaanong proyekto ngayon, magiging abala pa rin si Louise dahil sa kanyang blog.

Aniya, “I’ll be focusing more on my blog. Finally, this year, nag-decide na ako na talagang i-pursue siya.

“And also, since it’s very timely na everybody is doing it. I want to offer something more, it’s on YouTube.”

Kasama ni Louise sa Para sa Broken Hearted sina Yassi Pressman, Sam Concepcion, Shy Carlos, at Marco Gumabao.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN