Kumpirmado na ang pagiging opisyal na kandidata ng Spain ng trans woman na si Angela Ponce sa Miss Universe 2018.
Sa inilabas na video sa social media ng Miss Universe Organization (MUO) nitong September 19, Miyerkules, ipinakita ang ilan sa beauty queens mula sa iba't ibang bansa na sasabak sa Miss Universe 2018.
Ang video na nagtagal ng higit tatlong minuto ay compilation ng crowning moments ng local Miss Universe winners.
Pang-38 si Angela sa video ng 75 kandidatang ipinakita sa video.
Kabilang din dito ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray.
#MissUniverse season is almost here! Meet some of the 2018 contestants who will be competing for the crown. ????
— Miss Universe (@MissUniverse) September 18, 2018
...
Who do you think will take home the title? pic.twitter.com/P09ueVBzHn
Gaganapin ang 67th edition ng prestigious international beauty pageant sa Bangkok, Thailand sa December 17, 2018.
Sinabi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang interview noong July na hindi kailangang maging natural-born woman ng isang kandidata para makasali sa Miss Universe pageant.
"It is allowed in Miss Universe. You can compete, you can win.
"You don’t have to be a natural-born woman to win Miss Universe," pahayag ng Filipina beauty queen.
Gumawa ng kasaysayan ni Angel nang koronahan siya bilang kauna-unahang trans woman na kinoronahang Miss Universe Spain, at siya rin ang magiging kauna-unahang trans woman na kandidata ng Miss Universe.